Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Jocas, Ang Napakagandang Anak ni Joey De Leon na Nagtapos Bilang Cumlaude sa New York

Kung isa ka sa masugid na tagahanga ng longest-running noon time show ng GMA na Eat Bulaga, ay tiyak na kilala mo ang sikat na komedyante at TV Host na si Joey De Leon. Nagsimula ang karera ni Joey noong 1960 bilang isang radio disc jockey sa istasyon ng ABS-CBN. Ipinagpatuloy ni Joey ang kanyang karera sa showbiz, at unang napanood sa telebisyon sa gag show na “Ok Lang”.




Photo credits: Jocasdeleon | IG

Samantala, bago naman siya pumasok sa showbiz at sumikat bilang isang komedyante, ay nakapag-aral at nakapagtapos siya ng architecture degree sa National University sa Manila. Naging makulay naman ang kanyang buhay pag-ibig kung saan ay nagkaroon siya ng dalawang babae sa kanyang buhay. Unang ikinasal si Joey sa dati niyang asawa na si Daria Ramirez, kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Keempee at Cheenee.

Photo credits: Jocasdeleon | IG

Dalawang beses naman siyang ikinasal sa pangalawa niyang asawa na si Eileen Macapagal noong 2018. Una nga ay isang civil wedding sa Supreme Court at isa namang church wedding. Ang matamis naman nilang pagsasama ni Eileen ay biniyayaan ng tatlong anak na sina Jocas Eightria, Jako Raphaelle, at Jio Sebastian.

Photo credits: Jocasdeleon | IG

Sa limang anak ni Joey, na pawang magaganda at gwapo na hindi maikakaila na namana sa kanilang mga magulang. Ngunit, agaw pansin ang taglay na kagandahan ni Jocas na hindi lamang ganda ang maipagmamalaki, kundi maging ang kanyang angking katalinuhan. Nagtapos si Jocas sa kanyang pag-aaral bilang cum laude sa Fordham University sa New York sa kursong Bachelor’s degree in Economics. Maliban rito, ay isa rin siyang master’s degree holder sa luxury brand management sa Europen Business School London.

Photo credits: Jocasdeleon | IG

Walang duda na nakuha ni Jocas sa kanyang ina ang angking kagandahan, samantalang sa kanyang ama naman namana ang taglay na katalinuhan. Isa namang mabuti at mapagmahal na anak si Jocas kung saan, ay parehong mahal ang kanyang mga magulang. Ngunit, hindi maikakaila na daddy’s girl ang dalaga. Sa katunayan nga nito, ay mas malapit siya sa kanyang daddy kung saan ay madalas silang magbonding.




Photo credits: Jocasdeleon | IG

Makikita rin sa social media ni Jocas, na madalas siyang magpost ng sweet photos nilang mag-ama. At noong nakaraang birthday nga ni Joey, ay nagpost si Jocas ng isang nakakaantig na pagbati para sa kanyang Daddy Joey na puno ng pagmamahal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jocas de Leon (@jocasdeleon)

“My heart is happy having spent the long weekend celebrating my dad’s birthday in his favorite place. This is why my social media birthday post comes late… kumain nang kumain kasi muna! (So I guess my stomach is happy too!)”

Photo credits: Jocasdeleon | IG

“Because whenever I’m with Daddy, I always feel safe and secure.” These were my words to my mom in one of our recent conversations. And once I said them out loud, I knew how powerful they were and how special that moment was. Because when a daughter feels like all is right in her world just because her dad is near, she is lucky and she is blessed.”

“And I am well aware I am both those things because of you, Daddy. Whatever I do, wherever I go, I know how strong your love is for me. You never fail to tell me every time and show me every day. For a daughter, that is all so very empowering and invaluable. So I can never thank you enough and I can only hope I do the same for you… Happy birthday. May life’s greatest blessings continue to find their way to you. I love you.”

error: Content is protected !!