Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Jacobo, Ang Napakagwapong Anak Ng Aktres Na Si Dawn Zulueta

Isa nga ang aktres na si Dawn Zulueta sa mga kilalang personalidad na showbiz, na taglay ang natatanging kagandahan na kahit ilang taon na ang lumipas, ay hindi parin kumukupas.

Ngayon nga, bagama’t masisilayan na ang ilang puting buhok ng beteranang aktres, ay hindi maikakaila na sa edad niyang 52 ay mababakas parin ang natatangi nitong ganda. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung nagmana sa kanya ng magandang katangian ang kanyang mga anak.

Si Dawn ay ikinasal sa kanyang asawang si Antonio Lagdameo, Jr. noong 1997 at ang kanilang matamis na pagmamahalan ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Jacobo at Ayisha. Ang dalawang anak ni Dawn, ay parehong namana ang kanyang kahanga-hangang ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dawn Zulueta (@dawnzulueta)

Tulad nga ng kanyang panganay na anak na si Jacobo, na lumaking isang magandang lalaki. Matatandaan nga na noong nakaraang buwan ng Oktubre 19 nang ipagdiwang ni Jacobo ang kanyang ika-16 taong kaarawan, ay hindi naman talaga maitatanggi na binatang-binata na ito at taglay ang kahanga-hangang kagwapuhan.

Ang espesyal na araw ni Jacobo ay hindi pinalampas ni Dawn, kung saan nga ay ipinaabot niya ang kanyang nakakaantig na pagbati para sa kaarawan ng kanyang anak. Sa kanyang Instagram account, ay makikitang ibinahagi ng batikang aktres ang throwback photo nila ng kanyang anak na si Jacobo noong baby pa ito.

Sa kanyang caption naman, ay talagang mababakas ang pagmamahal ng isang ina. Hindi rin naiwasan ni Dawn na magbalik tanaw sa kanyang mensahe lalo na nga’t nasaksihan niya ang mabilis na pagbibinata ng kanyang panganay na anak.

Makikita rin sa social media ng aktres ang ilang larawan na kanyang ibinahagi na kuha sa masayang pagdiriwang ng kaarawan ni Jacobo. At makikita nga na nagkaroon ng isang masayang selebrasyon ang kaarawan ni Jacobo kasama ang kanilang pamilya at ilan nilang malalapit na kaibigan.

Sa comment section naman ng post ni Dawn, ay marami ang nagpaabot ng pagbati sa kaarawan ng binati. Ngunit, maliban sa komento ng pagbati, ay marami sa mga tagahanga ng aktres ang humanga sa taglay na kagwapuhan ni Jacobo. Ayon nga sa mga ito, ay kuhang-kuha nito ang pagiging artistahin ng ina na namana ang magandang katangian. Napuno nga ng komento ng paghanga ang nasabing post ng aktres.

Samantala, marami naman ang nagsasabi na sa taglay na kagwapuhan ni Jacobo ay hindi na nakapagtataka kung dumating ang panahon na sumunod ito sa yapak ng kanyang ina na pasukin ang mundo ng showbiz at maging isang mahusay na artista.

Ngayon pa lang nga, ay marami na ang tagahanga ni Jacobo na nakaabang sa kanyang magiging buhay kung sakaling pasukin rin ang showbiz.

error: Content is protected !!