Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Inah De Belen, Ang May Mala-Anghel sa Among Mukha na Anak ng Dating Mag-asawa na sina Janice De Belen at John Estrada

Marahil ay marami rin ang nakasaksi sa nakakakilig na pagmamahalan ng dating mag-asawa na sina Janice de Belen at John Estrada noong dekada 90. Matatandaan na ikinasal sina Janice at John noong 1992, ngunit pagsapit ng taong 2001 ay nauwi ang kanilang relasyon sa hiwalayan.

Credits: Inah de Belen Estrada | Instagram

Ang tamis ng kanilang pag-iibigan noon ay nagbunga ng isang napakagandang supling. Siya nga si Inah de Belen Estrada, na isinilang ni Janice noong January 23, 1992 at ngayon nga ay 29 taong gulang na. At tulad ng kanyang mga magulang ay pinasok na rin ng dalaga ang mundo ng showbiz, kung saan nga ay patuloy na ipinapamalas ang husay sa pag-arte.

Hindi naman maikakaila na taglay rin ni Inah ang napakaganda at mala-anghel sa among mukha, na kanyang namana mula sa kanyang mga magulang. Sa natatanging ganda naman ni Inah, ay kanyang nabihag ang puso ng aktor na si Jake Vargas. Sa paglipas ng panahon, ay nagawang pangalagaan nina Inah at Jake ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at ngayon nga ay apat na taon na nilang minamahal ang isa’t isa.

Credits: Inah de Belen Estrada | Instagram

Samantala, bagama’t nagkahiwalay sina Janice at John ay hindi naman sila nagkulang sa pagpapakita ng pagsuporta sa kanilang mga anak. Kaya naman, nang mapabalita ang plano ni Inah na magpakasal na sa nobyo nito, ay nakaramdam ng kalungkutan si John bilang isang ama.

Credits: Inah de Belen Estrada | Instagram

Hindi na lingid sa kaalaman ng mga magulang ng aktres ang relasyon nila ni Jake, kung kaya’t napapag-usapan na rin ng magkasintahan ang pagpapakasal lalo na ngayong nasa tamang edad na rin sila pareho.

Ayon nga kay Inah,“To be honest, of age na kami ni Jake talaga for stuff like that. Napapag-usapan na namin but marami pa kasi kaming gustong gawin. ”

Matatandaan na kamakailan lamang nang magdiwang ng kanilang ika-4th anniversary sina Jake at Inah. At para nga sa kanilang masayang pagdiriwang ng kanilang anibersaryo ay ibinahagi ni Inah sa Instagram ang kanilang sweet photos ni Jake.

Credits: Inah de Belen Estrada | Instagram

Makikita nga sa mga larawan na talagang sweet na sweet ang dalawa sa isa’t isa, patunay lamang nga nito na talagang tunay at tapat ang kanilang pagmamahalan. At dahil nga, darating ang araw na ikakasal ang kanyang anak, ay hindi maiwasan ni John ang malungkot at maging emosyunal sa isipin na mag-aasawa ang kanyang panganay na anak.

Credits: Inah de Belen Estrada | Instagram

Sa kabila naman ng plano nina Jake at Inah na magpakasal, ay hindi naman nawala sa isip ng magkasintahan na wag pabayaan ang kanilang karera. Dahil ang mas priority nila sa ngayon ay ang kanilang mga career sa showbiz bilang mga artista. Kaya naman, walang dapat ipag-alala si John, dahil nakatuon parin ang pansin nina Jake at Inah sa kanilang karera.

error: Content is protected !!