Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si ‘Iana Bernardez’ Anak Ng Kapamilya Aktres na si Angel Aquino

Hindi man halata dahil sa kanyang itsura, bukambibig ng netizen na para bang nakakatandang kapatid lang ng kanyang mga anak ang aktres na si Ms. Angel Aquino. Ang dating Kapuso na ngayon ay Proud Kapamilya na rin ay kilalang fashion model at higit sa lahat ay isa ring proud Mommy na sa mundo ng showbiz ay nagtataglay ng “timeless beauty”.



Photo credits: imangelaquino | Instagram

Ang 46 taong gulang na FAMAS at Gawad Urian Award-Nominated Filipino film and television Actress ay unang sumikat sa role niya sa Kapuso Pantaserye na “Encantadia”. At mula doon maraming karakter pa ang kanyang pinagbidahan, hanggang sa maging bahagi na siya ng Primetime Teleserye na “Ang Probinsiyano” bilang si Sec. Diana T Olegario.

Photo credits: imangelaquino | Instagram

Nagawa din niyang bihagin ang mga puso ng tagahanga ng makatambal niya si Tony Labrusca sa pelikulang “Glorious” kung saan gumanap siya bilang isang brain tumor survivor na umibig sa mas batang si Niko na ginanapan ng “Sino ang May Sala” aktor.



Lingid sa nakakarami ang proud kapamilya ay mayroon ng dalawang anak na babae na sina Iana at Thea. Marami ngang netizen ang nakapansin sa pagkakahawig ni Angel sa kanyang mga anak lalo na sa kanyang panganay na si Iana, lalo na daw kapag ngumingiti ito.

Photo credits: imangelaquino | Instagram

Photo credits: imangelaquino | Instagram

Photo credits: imangelaquino | Instagram  

Marami ang humanga sa taglay na ganda ng mga anak ng minsang mag-guest sila sa programang “Magandang Buhay” kung saan naibahagi ni Angel ang hirap bilang isang single mother lalo na ng magkasakit si Thea ng Hydrocephalus. Pero nagawa niya itong lampasan sa tulong na rin ng kanyang paniniwala.

Photo credits: imangelaquino | Instagram

Ayon pa sa impormasyon, hilig ng panganay na anak ng award winning na aktres ang beach, surfing at mountain climbing. Pero mas gusto niya ang bonding kasama ang kanyang very cool na mommy mula sa simpleng pagkain hanggang sa pag-eexercise ng yoga.



Photo credits: imangelaquino | Instagram

Photo credits: imangelaquino | Instagram

Sa kabilang banda pinasok na rin ni Iana ang mundo ng showbiz bilang actress sa pelikulang “Gusto Kita, With all my Hypothalamus” at LSS. At naging producer na rin siya sa mini TV series na “Past, Present, Perfect” at sa comedy movie na “Mina-Anud”.

error: Content is protected !!