Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Grae Fernandez, Ang Gwapong Anak Ni Mark Fernandez Na Pinasok Na Rin Ang Industriya Ng Showbiz

Ang pagmamahalan nina Alma Moreno at Rudy Fernandez noon ay nagbunga ng isang anak na lalaki. Ito nga si Mark Anthony Fernandez na tulad ng kanyang mga magulang ay pinasok rin ang mundo ng showbiz para patunayan ang husay sa pag-arte.

Bata pa lamang nga ay sumabak na si Mark Anthony sa showbiz kung saan nga ay marami siyang nagawang proyekto at mas lalong nakilala ang kanyang pangalan dahil sa kanyang husay. Katulad na lamang nga ng mga pelikulang “Pare Ko”, “Mangarap Ka”, “Matimbang Pa Sa Dugo”, kung saan nga ay naparangalan siya bilang Best Actor at Best Supporting Actor.

Ngunit, tila nga nananalaytay na sa dugo ng kanilang pamilya ang pag-aartista. Dahil maging ang anak ni Mark sa kanyang dating asawa na si Melissa Garcia na si Grae Fernandez, na ngayon ay 19 taong gulang na ay pinasok rin ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang husay sa pag-arte.

Bukod naman sa kanyang husay sa pag-arte ay hindi naman maikakaila ang taglay na kagwapuhan ni Grae na kanyang namana mula sa kanyang mga magulang. Napakalakas nga ng karisma ng binata, lalo na nga’t marunong na itong magdala ng kanyang sarili sa mga magagara nitong kasuotan.

Samantala, dahil nga mula sa pamilya ng mga artista ay hindi na rin nakapagtataka kung agad nakilala ang pangalan niya sa showbiz. Bukod nga rito ay talagang taglay rin ng binata ang angking husay sa pag-arte. Kaya naman, bilang isang ama ng sumisikat niyang anak, ay proud na proud si Mark.

Ayon nga kay Mark, ay masaya siya sa tinatahak na landas ng kanyang anak patungo sa tagumpay.

“I’m happy with everything that has been happening to my son now. Alam ko ‘yung puso niya. Gusto niya talagang maging artista. Natutuwa talaga ako at nagsusumikap siya.”

Bilang isang ama naman ay hindi nagkukulang sa pagbibigay ng payo si Mark sa kanyang anak patungkol sa tinatahak nitong karera.

“Ako na ‘yung nagkusang loob a few times noong may pagkakataon na akong magpayo. Proud ako bilang tatay at may magandang nangyari sa kanya. Nagbibinata siya at nagiging independent. Huwag siyang mawalan ng patience being an actor,” saad ni Mark.

Dagdag pa ni Mark sa kanyang payo sa kanyang anak, ay huwag tumigil sa paghahanap ng oportunidad para makatulong sa paglago ng karera.

“Trabaho lang ng trabaho. Hanap lang ng magandang kwento o magandang project at maka-jackpot din siya na talagang markado ang role. Pwede niyang mapanalo ‘yung role at magustuhan ng tao,” pahayag pa niya.

Kung sakali naman na makakatrabaho ni Mark ang kanyang gwapong anak na si Grae, ang dream project niya para sa kanila ng kanyang anak ay ang biopic ng dating Senador na si Gringo Honasan.

“Can anybody convince a producer to buy the story rights of Senator Gringo Honasan? Maybe Grae can also be in it or I can be in it with Grae, that will be a big project for both us,” he said. “Kung maganda ang project, bakit hindi kami magsasama? We really need a good project to work together. Alam ko mangyayari din ‘yan,” pagbabahagi pa ni Mark.

error: Content is protected !!