Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Erin, ang Napakagandang Panganay na Anak ni Ogie Diaz na Isang Vlogger

Ang 50 taong gulang na si Ogie Diaz ay kilala bilang isang mahusay na komedyante sa industriya ng showbiz. Pinatunayan niya ang kanyang husay ng sumikat sa sitcom na “Palibhasa Lalake” kung saan ay gumanap siya bilang Pekto. Maliban rito ay isa rin siyang kilalang reporter. Kilala rin siyang manager ng mga sikat na artista sa showbiz.

Credits: Erin Diaz | Instagram

Alam naman na ng marami ang kanyang pagiging “gay” at hindi naman niya ito ipinagkakaila sa publiko. Sa katunayan nga nito, kahit isa siyang “gay” ay isa naman siyang responsable at mapagmahal na asawa at ama sa kanyang pamilya. Napangasawa ni Ogie si Georgette de Rosaria kung saan ang kanilang masayang pagsasama sa loob ng 20 taon, ay biniyayaan ng limang mga anak.

Hindi naman maikakaila na ang kanilang pamilya ay puno ng pagmamahalan. Sa loob naman mahabang panahon ay mas lalong naging matibay at matatag ang kanilang pagsasama sa kabila ng anumang hamon ng buhay.

Credits: Erin Diaz | Instagram

Samantala, sa limang mga anak ni Ogie ay agaw pansin ang kanyang panganay na anak na si Erin. Ngayon kasi ay gumagawa ng sariling pangalan si Erin sa social media bilang isang vlogger. Hahangaan naman talaga ng marami ang isang tulad ni Erin dahil bukod sa maganda at maamo niyang mukha, ay may natatangi rin siyang talento sa pagbibigay saya sa mga manonood na tila namana sa kanyang amang komedyante.

Credits: Erin Diaz | Instagram

Marami nga ang natutuwa may Erin sa pagiging masayahin at natural sa harap ng camera sa mga vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel. Minsang na ngang ipinamalas ni Erin ang husay niya bilang vlogger matapos iprank ang kanyang ama. At ang nakakatuwang reaksyon ni Ogie matapos maprank ng kanyang anak ay talagang kinagiliwan ng mga netizens at nag-viral pa online.

Matatandaan naman nang makapanayam sa programang Magandang Buhay ang mga magulang ni Erin na sina Ogie at Georgette, ay inilarawan nila ang kanilang panganay na anak bilang isang responsable at mapagmahal na anak sa kanilang pamilya. Sa katunayan nga nito, ay si Erin ang nag-aalaga sa kanyang mga kapatid kapag nasa trabaho ang kanyang mga magulang.

Credits: Erin Diaz | Instagram

Dahil sa magandang katangian ni Erin na may mabuting puso, ay ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang. Sa ngayon nga, ang tanging hangad ni Ogie para sa kanyang anak ay matupad nito ang kanyang mga pangarap sa buhay at maging matagumpay sa anumang landas na kanyang tatahakin.

error: Content is protected !!