Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Erika Abellana, ang Kapatid ng Aktres na Si Carla Abellana na May Taglay Rin Ang Mala-Artistahing Kagandahan

Kung ang pag-uusapan ay kagandahang hindi nakakasawang pagmasdan, ay nabibilang sa mga may ganitong pisikal na katangian ay ang Kapuso actress na si Carla Abella. Ang kanyang taglay na kagandahan ay tunay namang hinahangaan ng marami, sapagkat may makeup man o wala ay sadya namang taglay niya ang kagandahang hindi nakakasawang tingnan.

Credits: Erica Espiritu| IG

Tila naman talagang nasa lahi na ng pamilya nina Carla ang pagkakaroon ng artistahing kagandahan, sapagkat maging ang kanya ngang nakatatandang kapatid ay mala-artistahin din ang kagandahan, ito nga ay walang iba kundi si Erica Abellana.

Credits: Erica Espiritu| IG

Kamakailan nga lamang ay naging guest sa segment na “Bawal Judgemental” ng Eat Bulaga si Erika Abellana, at dito nga ay mas lalo pa siyang nakilala ng madla. Napag-alaman ngang si Erika ay ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Carla Abellana, sapagkat siya nga ang panganay na anak ng dating aktor na si Rey ‘PJ’ Abellana. Katulad ni Carla ay naging freelance model din noon si Erika at noong nasa kolehiyo pa nga ito ay naging isa rin siyang freelance fashion stylist.

Credits: Erica Espiritu| IG

Ayon kay Erika dahil madalas siyang nasa harap ng kamera bilang isang modelo, ay kanya nga umanong sinubukan din ang pagiging fashion stylist noong mga panahon na siya ay nag-aaral pa nga sa kolehiyo. Isa rin siyang commercial medoel, katulad ng kanyang kapatid na aktres.

Credits: Erica Espiritu| IG

Sa kabila naman ng pagiging isang modelo niya at fashion stylist ay hindi naisipan ni Erika na sundan ang yapak ng kanyang ama at kapatid na pasukin din ang mundo ng showbiz. At ito ay sa kadahilanang mas nais niyang mamuhay ng simple kasama ang kanyang pamilya. Pagbabahagi pa ni Erika, nasa pamilya nila ang pagiging ‘achiever’ at ‘competitive’ kaya naman noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang ay iba’t ibang mga trabaho na ang kanyang nasubukan.

Credits: Erica Espiritu| IG

Naibahagi rin ni Erika na sa kasalukuyan ay mayroon na siyang sariling pamilya. Mahigit anim na taon na siyang kasal sa kanyang asawang si Red Espiritu ay sila nga ay nabiyayaan na ng tatlong anak na sina Ava, Lucy at Stella.

Credits: Erica Espiritu| IG

Makikita naman sa Instagram account ni Erika na isa sa mga kinagigiliwan niyang gawin ngayon ay ang pagbi-baking. Masisilayan din sa social media account niyang ito kung gaano sila ka-close ng kanyang kapatid na si Carla, kung saan ay madalas nga siyang magbahagi ng mga bonding nilang magkapatid, kagaya na lamang ng pagta-travel nila noon sa Italy.

Credits: Erica Espiritu| IG

 

Noon ngang ikinasal ang nakababatang kapatid ni Erika na si Carla Abellana, ay isang matamis na mensahe ang ipinaabot niya sa aktres.

“You were the most beautiful bride [Carla Abellana] and I am so happy for you and [Tom Rodriguez]. I love you both so much, abu!”, ang naging saad ni Erika ng ikinasal ang kapatid niyang si Carla sa longtime boyfriend nitong si Tom Rodriguez.

Credits: Erica Espiritu| IG

May naging payo naman si Erika para sa mga magkakapatid na kung minsan ay hindi naiiwasang magkaroon ng kumpetisyon.

“Don’t take it personally. Always just have fun.”

error: Content is protected !!