Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Donabelle Lazaro, ang Mapagmahal at Supportive na Ina ng Anak ni Piolo Pascual na si Iñigo Pascual

Marahil ay isa ka rin sa mga tagahanga at napabilib ng angking kagwapuhan ng batikang aktor na si Piolo Pascual. Masasabi namang siya nga ay isang Ultimate Heartthrob na talaga namang hindi nagbabago ang napakagawapong mukha at makisig na katawan sa paglipas ng panahon.

Walang duda kung bakit dumagsa ang napakaraming proyekto sa kanya sa showbiz na taglay rin ang pambihirang galing sa pag-arte. Sa dami nga ng pinagbidahang pelikula ay masasabi na isa siyang tunay na beterano sa larangan ng pag-arte.

Si Piolo ay kilala rin sa tawag na “Papa P” ng karamihan. Ngunit, hindi lamang sa pangalan kundi maging sa tunay na buhay, isa siyang ganap na ama sa kanyang napakagwapo ring anak na si Iñigo Pascual.

Photo credits: google.com

Matagal na naging pribado ang buhay ni Iñigo sa Amerika kasama ang kanyang ina na si Donnabelle Lazaro. At ito ay dahil sa kagustuhan ni Piolo na huwag munang isapubliko ang kanyang pagkakaroon ng anak sa kanyang dating kasintahan. Ngunit, hindi nga nagtagal ay nalantad na rin ito sa publiko, at sumunod pa sa yapak niya na mapabilang rin sa industriya ng showbiz.

Ang sanggol na ipinanganak noong Setyembre 14, 1997 ni Donna na kanyang pinalaki sa Amerika ngayon ay isa nang ganap na binata. At makikita sa tikas at tindig ni Iñigo na hindi ito nalalayo sa kanyang amang si Piolo. Kung sina Piolo at Iñigo ay pinasok ang mundo ng showbiz, si Donna naman ay mas piniling maging pribado ang kanyang buhay.

Photo credits: google.com

Sa kabila nito, ay hindi naman siya nagkukulang sa pagmamahal at pagsusuporta sa mga pangarap ng kanyang anak na si Iñigo. Matatandaan nga nang minsang makapanayam si Donna sa programang Magandang Buhay kasama ang anak, ay kanyang ibinahagi kung paano siya tumatayong ina kay Iñigo.

Ngayon ay kilala bilang isang mahusay na singer si Iñigo na taglay ang kahanga-hangang tinig. Ngunit, ayon sa kwento ni Donna, ay mahilig lang talaga kumanta noon si Iñigo ngunit hindi umano ito magaling.

“Noong bata pa, hindi talaga magaling pero mahilig kumanta. Sumasali siya sa singing sa grade school. Tinawagan ako ng teacher niya na panoorin ko raw, kasi sumali sa singing contest.”

Photo credits: google.com

Pagbabahagi pa si Donna, bagama’t hindi magaling kumanta ay malakas naman raw ang self confidence ni Iñigo. Kaya naman, nagugulat na lamang siya kapag may sinasalihan itong singing contest. Dahil dito, ay naawa umano siya kay Iñigo kung kaya’t ipinasok niya ito sa voice lesson.

“Nagulat ako kasi hindi siya ganun kagaling kumanta, pero very confident siyang sumali. So, noong after ng contest na ‘yon, naawa ako sa kanya pero hindi ko ipinakita, kasi alam ko hindi siya magaling. So, pag-uwi naming noon ay ine-enroll ko siya sa voice lesson.”

Photo credits: google.com

Hindi naman maikakaila ang labis na pagsuporta ni Donna sa mga nais aboting pangarap ng kanyang anak. Kaya naman, nang magpasya si Iñigo na umuwi ng Pilipinas upang simulan ang pagtupad sa pangarap at umpisahan na ang karera nito, ay agad niya itong sinang-ayunan.

“Kasi from the start, lahat ng ginagawa niya sinu-support ko, go ako. I’m here Inigo para i-cheer ka. So, ganun pa rin alam mon a nandiyan pa rin lagi si mommy, kahit 21 ka na.”

Photo credits: google.com

Samantala, ipinagpapasalamat naman ni Iñigo ang ipinapakitang suporta ng kanyang mga magulang lalo na sa kanyang karera. Makikita naman kung gaano kamahal ng kanyang mga magulang si Iñigo, na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para sa kanilang anak.

error: Content is protected !!