Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Dennise Ysabel, Ang Napakaganda at Mukhang Italyanang Anak ng Batikang Aktor na si Philip Salvador

Kilala ang batikang aktor na si Philip Salvador na kanyang mahusay na pagganap sa mga pekikula lalo na pagdating sa action movies. Kahanga-hanga naman talaga ang husay na ipinamalas niya sa kanyang mga action stunts. Dahil dito, hindi nakapagtataka na magmula dekada 80 hanggang dekada 90 ay namayagpag ang kanyang karera sa showbiz.

Kilala rin si Philip sa palayaw niyang “Ipe”, na siyang pangalan na tumatak sa publiko sa tuwing maririnig ang tunay niyang pangalan. Lumikha ng sariling pangalan si Ipe sa showbiz na kung saan ay talagang ipinamalas ang husay sa pag-arte. Kaya naman, bumuhos ang mga pelikula na kanyang pinagbidahan. At ang kanyang angking galing sa pag-arte ay pinarangalan. Kabilang na nga rito ang mga parangal na Best Actor sa FAMAS, FAP Awards, Movie Actor of the Year ng Star Awards for Movies noong 1986, 1994, 1995, at Box Office King ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Awards noong 1989, Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival noong 2009.




Samantala, matatandaan na nagkaroon ng relasyon si Ipe kay Kris Aquino kung saan ay nagbunga ito ng isang anak, ito nga si Joshua. Ngunit, ang kanilang relasyon ay hindi naman nagtagal at nauwi ito sa hiwalayan. Maliban naman sa anak niya kay Kris Aquino na si Joshua, ay may isa pang anak si Philip. Ito naman ang anak niya sa dating kinakasama na si Vivian Dungca.

Agaw-pansin nga ngayon sa social media ang napakagandang anak ni Philip na nagngangalang Dennise Ysabel Salvador na may taglay na mala-Italyanang ganda. Hindi maikakaila na nagmana si Dennise sa amang si Philip dahil malaki ang pagkakahawig nila sa isa’t isa. Bukod sa taglay na kagandahan ay maganda rin ang hubog ng katawan ni Dennise.




May angking katalinuhan rin ang anak na ito ni Ipe, sa katunayan nga nito ay nakapagtapos ito ng kolehiyo sa Holy Angel University sa Pampanga sa kursong Bachelor of Science in Tourism Management. At ang kursong natapos ni Dennise ay talaga nga namang bagay na bagay sa kanyang kagandahan at pisikal na kaanyuan. Hindi naman maitatanggi na bilang isang magulang ay labis ang kaligayan ni Ipe at Vivian sa nakamit na tagumpay ng kanilang anak na kung saan ay magkasamang dumalo sa graduation ng kanilang anak.




Dahil nga, sa taglay na ganda ni Dennise, marami ang umaasa na balang-araw ay pasokin na rin nito ang showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ama. Hindi rin maikakaila na pipilahan si Dennise ng mga gwapong artista upang maging katambalan sa mga proyekto.

error: Content is protected !!