Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Baltie, Ang Napakacute at Gwapong Anak ni Isabelle Daza na Future Matinee Idol

Ang anak ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na si Isabelle Daza, ay nagmana ng kagandahan sa kanyang inang beauty queen. Kaya naman, hindi rin nakapagtataka kung nabihag ni Isabelle ang puso ng isang napakagwapong French businessman na si Adrien Semblat.

\

Credits: Isabelle Daza | IG

Matapos tumagal ng pitong taon ang kanilang relasyon bilang magkasintahan at maengaged noong February 2016, ay tuluyang nauwi ang pag-iibigan nina Isabelle at Adrien sa pag-iisang dibdib na naisakatuparan noong September 10, 2017 na naganap sa San Francesco Church sa Tuscany, Italy. At ngayon nga, ay mapalad ang mag-asawa matapos mabiyayaan ng dalawang lalaking anak.

At ang panganay na anak ni Isabelle na si Balthazar Gabriel, o mas kilala bilang Baltie ay agaw pansin ang natatanging kagwapuhan. Si Baltie ay isinilang ni Isabelle noong April 1, 2018, at ngayon nga ay tatlong taong gulang na ito. Sa kabila naman ng murang edad ni Baltie, ay masisilayan na nga dito ang napakagwapong mukha.

Credits: Isabelle Daza | IG

Ang anak ni Isabelle na si Baltie, kahit bata pa lang ay masasabi na head-turner na dahil sa taglay niyang kagwapuhan. Hindi naman na nakapagtataka na nagmana si Baltie sa kanyang magandang ina at gwapong ama.

Proud na proud naman ang hands on mommy na si Isabelle sa kanyang first born kung saan nga ay madalas ibahagi sa social media ang mga cute and adorable photos nito. Ngayon pa lang nga ay marami na ang tagahanga ni Baltie na talagang giliw na giliw sa kanyang cute at gwapong mukha. Madalas ring ibahagi ng model-actress ang bonding moments nila ng kanyang anak, at iba’t ibang activities na ginagawa ng munting bata.

Credits: Isabelle Daza | IG

Kung darating man ang panahon na pasukin ni Baltie ang showbiz, ay tiyak na isa ito sa mga bibihag ng puso ng mga kababaihan at maituturing na heartthrob. Maliban sa gwapo nitong mukha, ay nakikitaan na rin ito ng talento na ayon naman sa proud mommy na si Isabelle ay fast learner at smart umano ang kanyang anak.

“Baltie likes what he likes. He is very sure of himself. He is a fast thinker and is also very independent. I see him as a smart child.”

Credits: Isabelle Daza | IG

Ibinahagi naman ni Isabelle na mahilig ring kumain ng mga prutas si Baltie katulad na lamang ng peaches, mangosteen, lansones, at rambutan. Marami na ring netizens ang giliw na giliw at pinanggigigilan ang taglay na kagwapuhan ni Baltie, kaya naman ngayon pa lang ay nakaabang na ang mga ito sa mga kaganapan ng kanyang buhay.

Credits: Isabelle Daza | IG

Masasabi nga na isa si Baltie sa mga celebrity kids sa showbiz na kilala at hinahangaan ng publiko. Ang mga batang tulad ni Baltie ay nakakapagbigay ng saya sa kanilang mga fans, lalo na nga’t taglay nila ang magaganda, gwapo at maamong mukha na hindi nakakasawang pagmasdan.

error: Content is protected !!