Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Baby Emerald Jade, Ang Napakacute at Green-eyed Daughter ng Dating Aktres na si Jewel Mische

Ang dating aktres na si Jewel Mische ay unang nakilala sa reality talent competition ng GMA na StarStruck at tinawag na Ultimate Sweetheart. Matapos ang pamamayagpag ng karera sa showbiz, ay hindi nagtagal ng lisanin ito ng dating aktres.

Mapalad naman niyang natagpuan ang tunay na pag-ibig sa katauhan ng kanyang American husband na si Alister “Alex” Kurzer. At ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang babaeng anak. Sila nga ay sina Aislah Rose at Emerald Jade. Ang pamilya ng Ultimate Sweetheart, ay masayang naninirahan ngayon sa America.




Noong July 2018 naman ng isilang ni Jewel ang kanyang panganay na anak na si Aislah Rose, samantalang noong nakaraang taon buwan ng Abril isinilang ni Jewel ang bunsong si Emerald Jade. Bagama’t, may pangamba nang isilang ni Jewel si Emerald dahil nasa gitna ng pandemya, ay nanatili ang pagiging positibo sa buhay ng dating aktres.

Nang matagumpay nga niya itong maipanganak ay labis ang kanyang pasasalamat at kaligayahan. At nang masilayan nga ang kanyang napakacute na baby girl, ay naglaho ang lahat ng kanyang pangamba at nabigyan siya ng pag-asa kung kaya’t itinuturing ni Jewel na milagro ang pagsilang kay Baby Emerald.

Magmula nang isilang ni Jewel si Emerald, ay talagang sinasamantala niya ang mga oras na kasama niya ito. At bilang isang proud mommy ng kanyang anak, bawat milestone nito ay ibinabahagi niya sa kanyang social media sa pamamagitan ng pagpost ng mga larawan at video.

Photo credits: Mishejewel | IG

Makikita nga sa latest post ni Jewel ang larawan ng kanyang anak, na bukod sa napakacute ay kahanga-hanga ang kulay ng mata. Ito nga ay dahil sa kulay green ang napakaganda nitong mata. Bihira lamang ang magkaroon ng kulay berdeng mata, kaya naman ganun na lamang kaproud si Jewel sa kanyang bunsong anak.

Photo credits: Mishejewel | IG

Photo credits: Mishejewel | IG




Photo credits: Mishejewel | IG

Samantala, ang isang taong gulang na anak ni Jewel na si Baby Emerald, ay maraming tagahanga na talaga namang gigil na gigil sa napakacute at maamo nitong mukha. Tila nga isang manika si Baby Emerald sa kacutan, idagdag pa rito ang kulay green nitong mga mata. Kaya naman, labis ang pasasalamat ni Jewel sa mga “cyber aunties” ni Emerald sa patuloy na pagsuporta sa kanyang anak.

Photo credits: Mishejewel | IG

At dahil nga, isang kayamanan si Emerald para kay Jewel, ay talagang inaalagaan niya itong mabuti na parang isang prinsesa. Ang crib nga ng munting anghel ay napakaganda ang pagkakaayos na maikukumpara sa higaan ng isang prinsesa.

Photo credits: Mishejewel | IG

Hindi lamang kay Jewel mahalaga si Emerald kundi pati na rin sa Daddy Alex niya. Kaya naman, kahit unti-unti na ang paglaki ni Baby Emerald ay mananatili pa rin itong baby girl ng kanyang daddy. Maging ang kanyang lolo ay mahal na mahal rin silang magkakapatid. At noong nakaraang pasko nga, ay sinurpresa sila nito matapos magsuot ng Santa Clause costume.

Photo credits: Mishejewel | IG

Talaga namang napakasaya ng kanilang pamilya, lalo na nga’t may dalawang magagandang anak na sina Aislah Rose at Emerald Jade na nagbibigay kulay at saya sa kanilang pamilya. Hindi nga maikakaila na talagang proud na proud ang mag-asawang Jewel at Alex bilang mga magulang ng kanilang mga anak.

error: Content is protected !!