Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Austin ang Gwapong Anak ng Aktor na si Derek Ramsay na Isa Nang Ganap Na Binata Ngayon

Ang 44 taong gulang na aktor na si Derek Ramsay, ay pinagkakaguluhan ng maraming babae dahil bukod sa gwapo ay taglay rin niya ang matipunong pangangatawan. Hindi naman na nakapagtataka na sa kanyang taglay na katangian, ay marami ang babaeng nahumaling sa kanya at kanyang naging karelasyon.

At isa nga napaibig ni Derek ng kanyang angking karisma ay ang kanyang fiancee ngayon na si Ellen Adarna. Ang dalawa nga, ay masayang nagsasama ngayon na talaga namang mararamdaman ang init ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Ngunit, bago pa man dumating sa buhay ni Derek si Ellen, ay may naunang babaeng minahal at pinakasalan pa ang aktor. Ito nga si Mary Christine Jolly, dating Kapuso actress na kung saan ang kanilang pag-iibigan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong 2002. Ngunit, hindi naman nagtagal ay nauwi sa hiwalayan matapos lamang ang limang buwang pagsasama sa iisang bubong.

Photo credits: google.com

Samantala, inilihim naman ni Derek sa publiko ang naging relasyon niya sa dating asawa. Ngunit, noong taong 2014 ay nailantad rin ito sa publiko na bukod sa nagkaroon siya ng asawa, ay nagbunga rin ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na lalaki. Nabunyag nga noong 2014, na may anak si Derek kay Mary Christine Jolly, na noong ay 11 na taong gulang na. Siya nga si Austin Gabriel Ramsay na pinalaki ni Mary sa Dubai matapos nilang maghiwalay ni Derek noon.

Photo credits: google.com

Samantala, nilinaw naman ni Derek sa isang pahayag na noong taong 2011 niya lang nakumpirma na siya nga ang ama ni Austin. Ang dahilan naman ni Derek kung bakit hindi niya ito isinapubliko, ay upang proteksyunan ang kanyang anak.

Nagkaroon naman ng legal battle sa pagitan nina Derek at Mary na natuldukan noong 2014. Isa nga sa napag-usapan ay ang support, visitation rights, at citizenship ng kanilang anak. Sa huli ay nauwi naman sa compromise agreement ang bawat panig para narin sa ikakabuti ng kanilang anak.

Photo credits: google.com

Hindi naman madali ang pinagdaanan ni Derek, para ipakilala ang kanyang sarili sa kanyang anak, lalo na nga’t matagal silang nawalay sa isa’t isa. Magmula naman ng maging isang ganap na ama si Derek kay Austin, ay wala na siyang pinalampas na sandali para iparamdam ang kanyang pagmamahal sa kanyang anak.

“But in the short time I spent with him he called me dad, so it was a nice feeling.”

“There’s a lot of things we had to work at, it’s not the perfect situation, it’s not the situation that I want. Yet at least now may opportunity ako na maayos ‘yon.”

“When it comes to family it’s the most important thing for me. That’s why I was so emotional through all of these, and that’s why I fought hard to fix this.”

Photo credits: google.com

Sa mabilis na paglipas ng panahon, ngayon nga ay 18 taong gulang na si Austin at binatang-binata na kung saan ay namana rin magandang katangian ng kanyang ama na taglay rin ang gwapong mukha.

Photo credits: google.com

Nito lamang ika-27 ng Hunyo 2021, ay masayang ipinagdiwang ni Austin ang kanyang 18th birthday. At sa espesyal na araw na ito, ay ipinaabot ni Derek ang kanyang pagbati sa kanyang unico hijo sa pamamagitan ng isang post sa Instagram. Bakas rin sa mensahe ng aktor ang kanyang labis na pagmamahal sa kanyang anak.

“My little boy turns 18 today. We have had our ups and downs son but you know that I love you and I will always have your back. Enjoy over in Dubai and I’ll see you soon. Happy birthday.”

error: Content is protected !!