Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Ashley, ang Napakaganda at Talented na Anak ng Action Star na si Joko Diaz

Sa kanyang husay bilang isang action star at kontrabida sa mga pelikula, ay tiyak na maraming nakakakilala sa aktor na si Joko Diaz. Si Joko ay sumikat noong dekada 80 bilang matinee idol kung saan talagang hinangaan ng marami ang kanyang husay at natatanging talento sa pag-arte sa industriya ng showbiz.

Credit: Joko Diaz | Instagram

Kilala rin si Joko bilang anak yumaong action star na si Paquito Diaz na isa ring mahusay na aktor, na marahil nga ay dito namana ni Joko ang kanyang talento. Ang husay nga ni Joko ang nagdala sa kanya sa tagumpay upang magkaroon ng maraming pelikula, TV shows at mga teleserye.

Tila naman nananalaytay na sa dugo ng pamilya ni Joko ang isang mahusay na artista na may natatanging talento sa pag-arte. Dahil ngayon nga, ay lumilikha ng sariling pangalan sa showbiz ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya. Ito nga ang napakaganda at talented na anak ni Joko na si Ashley, ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Abigail.

Credit: Ashley Diaz | Instagram

Makikita naman na kakaibang closeness ang meron sa mag-amang Joko at Ashley bilang mag-ama. Patunay lamang nito ang mga larawang kanilang ibinabahagi sa Instagram kung saan masisilayan ang kanilang kasweetan, at maging ang kanilang masayang bonding moments bilang mag-ama.

Kapansin-pansin naman sa mga larawan ang napakaganda at maamong mukha ni Ashley na agad na pumukaw sa atensyon ng mga netizens. Hindi naman maikakaila na ang angking kagandahan ni Ashley ay namana niya sa kanyang mga magulang.

Credit: Ashley Diaz | Instagram

Ngunit, maliban sa angking kagandahan, ay maipagmamalaki rin ang kanyang natatanging talento pagdating sa musika. At ang talento ni Ashley sa pag-awit na may kahanga-hangang tinig ay namana naman niya sa kanyang inang si Abigail.

Noong 2018, ay pinatunayan na nga ni Ashley ang kanyang kakayahan matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency. At noong nakaraang buwan ng Marso 2020, ay inilabas na ni Ashley ang kanyang debut music na pinamagatang “Pag-ibig Na Ito”.

Credit: Joko Diaz | Instagram

Bagama’t, suportado ng mag-asawang Abigail at Joko ang nais tahaking karera ni Ashley, ay nais parin ng mag-asawa na pagtuunan ng kanilang anak ang pag-aaral nito. Ngayon nga na nasa showbiz na si Ashley, ang tanging hiling ng kanyang mga magulang ay huwag pabayaan ang kanyang pag-aaral.

Credit: Ashley Diaz | Instagram

At noong nakaraang taon lamang, kahit nasa gitna ng quarantine ay matagumpay na nakapagtapos sa Junior High School si Ashley. Maliban sa pagiging isang mahusay na singer at masipag na mag-aaral, ay pinasok na rin ni Ashley ang mundo ng vlogging. At ngayon nga, ay isa rin siya sa kilalang YouTuber sa bansa upang maghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!