Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Arkin Magalona, Ang Bunsong Anak na Lalaki ni Francis M na Isa Nang Ganap na Binata Ngayon na Napakagwapo rin

Si Francis Magalona ay nakilala ng lahat sa tawag na Francis M, isang mahusay na rapper dahilan nga upang bansagan siyang “The Master Rapper”. Naging matagumpay ang karera ni Francis sa showbiz bilang isang musikero at host ng ilang programa sa telebisyon.

Ikinasal naman siya noong 1985 sa kanyang asawang si Pia Arroyo, kung saan ang kanilang masayang pagsasama ay biniyayaan ng walong magaganda at gwapong mga anak. Ngunit, ang lahat ng kanyang masasayang araw kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan sa showbiz at matagumpay na karera ay nagwakas dahil sa kanyang hindi inaasahang pagpanaw noong 2009.

Photo credits: google.com

Samantala, isa sa kanyang walong anak, ang tila magtutuloy ng kanyang tinahak na landas bilang isang mahusay na rapper at musikero. Ito nga ang kanyang bunsong anak na lalaki na si Arkin Magalona.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Matatandaan na noong nabubuhay pa si Francis M ay madalas niyang kasama ang kanyang anak na si Arkin sa kanyang mga performance, lalo na sa Eat Bulaga sa tuwing kumakanta sila ng rap songs. Hindi lamang ito, dahil nakasama rin niya si Arkin sa music video ng kanyang sikat na kanta na “Superproxy”. Dito naman, ay nakasama rin ng mag-amang Francis M at Arkin, ang dating vocalist ng Eraserheads na si Ely Buendia at anak nitong si Eon.

Photo credits: google.com

Hindi nga maikakaila ang angking talento ni Arkin na nagmana sa kanyang ama. Kaya naman, mas lalo pang hinasa ni Arkin ang sariling kakayahan, at tuluyang pinasok ang mundo ng showbiz bilang isang artista. Matapos makitaan ng potensyal ay limang taon siyang naging talent ng GMA, at napabilang sa ilang mga proyekto tulad ng Candy Magazine, Teen Gen, Dyesebel noong 2008 at Blusang Itim naman noong 2011. Hindi naman nagtagal ay nagpasya si Arkin na lisanin ang showbiz upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Photo credits: google.com

Sa matulin na paglipas na panahon, ang batang madalas na kasama ni Francis M noon, ay isa nang ganap na binata na ngayon at 21 taong gulang na. Hindi naman maikakaila na namana ni Arkin ang magandang looks ng kanyang mga magulang. Masisilayan nga sa binata ang gwapong mukha.

Photo credits: google.com

Hindi naman nawala ang hilig ni Arkin sa rap songs, at ngayon ay isa na rin siyang singer-songwriter. Maliban sa kanyang ama, ay inspirasyon rin ni Arkin pagdating sa musika na talagang hinahangaan niya, ay ang kanyang nakakatandang kapatid na si Elmo Magalona.

Photo credits: google.com

Kung bibisitahin naman ang kanyang social media ay makikita na minsang nagpakulay ng buhok si Arkin na ginaya ang estilo ng pananamit ng iniidolo niyang si Lil Peep, isang American rapper, singer at songwriter.

Photo credits: google.com

Ayon naman kay Arkin, kung mabibigyan ng pagkakataong makabalik sa showbiz ay tatanggapin niya ang anumang offer sa acting project, ngunit paglilinaw niya ay mas prayoridad niya ngayon ang kanyang singing career.

Photo credits: google.com

Marami namang netizens ang napahanga sa mala-Korean looks ni Arkin, na talaga namang bagay na bagay sa kanya at napakagwapo.

“Eto ang oppa perfect face sa anak ni Francis M gwapo nmn kc ng daddy nila hayys sayang lang ang aga nya nawala!! Mabait c francis low profile.bunso nya to binata na.”

“Bagay nya sa koreanovela mukhang Koreano ganyan na ganyan mukha ang kinababaliwan at kinkiligan ng mga fans ng mga artistang koreano dito sa pinas.”

error: Content is protected !!