Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Arabella, ang Anak Nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na Sadyang Napakaganda at Isa ring Mahusay na Aktres

Ang dating mag-asawa na sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco ay parehong mga sikat na artista sa showbiz. Sa halos ilang dekada nang nasa industriya ng showbiz at talagang masasabi na mga batikan na sila sa larangan ng pag-arte.

Kasabay naman ng umaarangkada nilang karera sa industriya ng showbiz, ay ang lumalaki rin nilang pamilya. Ang kanilang pag-iibigan na nagsimula nang magkasama sa isang show ay nauwi sa pag-iisang dibdib. Ngunit, sa kasamaang palad ang 13 taon nilang pagsasama bilang mag-asawa ay nauwi sa hiwalayan.

Photo credits: google.com

Ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng tatlong anak, sina Kenneth, Rikki Mae, at bunsong si Arabella. At ang bunsong anak nga ng dating mag-asawa na si Arabella, ay pumukaw sa atensyon ng mga netizens dahil sa kanyang mala-artistahin sa gandang mukha. Makikita nga namana ni Arabella na kilala rin bilang Ara, ang magandang katangian ng kanyang mga magulang.

Photo credits: google.com

Photo credits: aradavao | IG

Photo credits: aradavao | IG

Samantala, ang napakagandang si Ara, ay minsan na ring ipinagmalaki ng kanyang mga magulang sa nakamit nitong tagumpay. Sa edad na 22 taong gulang, ay natupad na ng dalaga ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. At noong May 31, 2019, ay nakapagtapos si Ara sa kanyang Bachelor’s degree sa Ateneo de Manila University.

Photo credits: aradavao | IG

Sa kabila ng paghihiway ng kanyang mga magulang, ay makikita naman sa mga larawang ibinahagi sa social media na parehong dumalo sa espesyal na araw ng kanilang anak sina Ricky at Jackie Lou. Sa graduation ceremony ni Ara, ay parehong naroon ang dating mag-asawa upang ipakita ang suporta sa kanilang anak.

Photo credits: aradavao | IG

Makikita nga sa kanilang mga Instagram account na talagang proud parents sina Ricky at Jackie Lou sa nakamit na tagumpay ng kanilang anak. Sa Instagram ni Jackie Lou, ay ipinaabot niya ang kanyang pagsuporta at pagmamahal sa kanyang anak sa pamamagitan ng isang mensahe.

“I have and will always be proud of you, My Jacqueline Arabella Marie, my bunso!!! Congratulations on your graduation! Whatever path you choose to take, always know Mama will be behind you. Throughout your joys, troubles, fears, and triumphs, I will always be here with you. I love you so so much!!!”

Photo credits: aradavao | IG

Simple naman ang naging pagbati ng kanyang ama kay Ara para sa nakamit niyang tagumpay.

“Congratulations ARA, so proud of you!!! LOVE YOU!”

Photo credits: aradavao | IG

Sa ngayon ay gumagawa na rin ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz si Ara. Sa isang panayam, ay sinabi ni Ara na hindi siya nagsisisi na sa edad na 24 na siya pumasok na showbiz. Ito nga ay dahil ang goal niya talaga ay makapagtapos muna siya ng pag-aaral bago siya sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng showbiz bilang artista.

Photo credits: aradavao | IG

“Kasi it was my goal talaga to finish my studies which thankfully nagawa ko naman before the pandemic happened so that was my focus at that time and now I feel it’s the right time.“

error: Content is protected !!