Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si Angela Alarcon Ang Napakagandang Anak Ng Action Star Na Si Jestoni Alarcon

Tila nga nasa dugo na ng aktor na si Jestoni Alarcon ang pagiging isang mahusay na artista. Bukod kasi sa kanyang talento sa pag-arte, ay taglay rin ni Jestoni ang magandang katangian. Kaya naman hindi na nakapagtataka na isa siya sa pinakasikat na action star noong dekada 90 sa industriya ng showbiz.

Ang magandang tikas at kagwapuhan rin ni Jestoni, ang nagpatibok sa puso ng kanyang magandang misis na si Lizette. Dahil nga, puno ng saya at pagmamahalan ang kanilang pagsasama, ay nagbunga ito ng tatlong anak na hindi maikakailang nagmana sa kanilang mga magulang, ito ay sina Jessica, Anthony at Angela.

Ngunit, sa tatlong anak ni Jestoni ay agaw pansin ang kanyang anak na si Angela Alarcon na ngayon nga ay lumilikha na rin ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz. Isang proud daddy si Jestoni sa kanyang anak dahil sumunod ito sa kanyang yapak upang ipamalas ang husay sa pag-arte.

Kahanga-hanga naman talaga si Angela, dahil bukod sa talento sa pag-arte na namana sa kanyang ama, ay taglay rin niya ang hanga-hangang kagandahan at katalinuhan. Sa katunayan nga nito, bago pasukin ni Angela ang mundo ng showbiz, ay nagpursige muna siyang makapagtapos ng pag-aaral.

Bago nga maging ganap na Kapuso star si Angela, ay natapos niya ang kanyang degree sa Speech Communication sa University of the Philippines Diliman. Dahil rin sa taglay niyang katalinuhan ay natapos niya ang kanyang kurso nang may karangalan bilang cum laude.

Maliban naman rito, ay mahilig rin si Angela sa sports katulad na lamang ng basketball, boxing at volleyball. Maipagmamalaki rin ang husay ni Angela pagdating sa taekwondo kung saan ay naging bahagi siya ng Bottle Cap Challenge at isang blackbelter sa kanilang unibersidad.

Samantala, dahil nga natapos ni Angela ang kanyang pag-aaral ay mas lalo siyang sinuportahan ng kanyang mga magulang na pasukin ang larangan ng pag-arte. Hindi naman maikakaila na isa si Angela sa mga rising star na inaabangan ng marami lalo na nga’t ang kanyang ama ay isang kilalang action star sa industriya.

Ayon naman kay Angela, ay suportado siya ng kanyang ama sa kanyang naging desisyon. Sa katunayan nga nito, bilang isang batikang artista sa industriya ng showbiz ay hindi nagkululang sa pagbibigay ng payo si Jestoni sa kanyang anak kung paanong haharapin ang mga pagsubok na kaakibat ng pagiging isang artista katulad na lamang sa pagharap sa mga bashers.

“His advice is to always remain focused and to do your best in everything that you do especially sa mga lines, kahit onti mo lang na mali na mga lines. Sinasabi niya na people may say things about you and puwede akong masaktan when I enter showbiz, but just always focus on your goal and don’t let them affect you,” saad ni Angela.

error: Content is protected !!