Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Angela Alarcon, Ang Matalino At Napakagandang Anak ni Jestoni Alarcon Na Isa Na Ring Kilalang Aktres sa Showbiz Ngayon

Ang action star na si Jestoni Alarcon ay nakilala ng publiko dahil sa kanyang kahanga-hangang pag-arte sa industriya ng showbiz. Hindi rin maikakaila na bukod sa kanyang husay, ay talagang taglay rin ni Jestoni ang tindig ng isang magandang lalaki. Kaya naman, hindi nakapagtatakq kung nabihag niya ang puso ng kanyang maybahay na si Lizzette Alarcon na kung saan nga ang kanilang matamis na pagmamahalan ay nagbunga ng tatlong anak.

Photo credits: angelaalarcon | IG

Photo credits: angelaalarcon | IG

Isa na nga rito si Angela Alarcon na pangalawa sa tatlong magkakapatid na ngayon nga ay unti-unting nakikilala at lumilikha ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz. At tulad ng kanyang magulang, ay kitang-kita naman kay Angela ang namana niyang magandang katangian at talento sa kanyang mga magulang.

Photo credits: angelaalarcon | IG

Si Angela ay isa ngayon sa mga rising stars ng GMA Network na kung saan ay hindi lamang maganda, at talentado kundi ay taglay rin ang kahanga-hangang katalinuhan. Sa katunayan nito, bago pasukin ni Angela ang showbiz ay nakapagtapos siya ng kanyang degree sa Speech Communication sa University of the Philippines Diliman. Dahil nga, ito ang pangako ni Angela sa kanyang mga magulang para payagan siyang pumasok sa showbiz, ay talagang ginawa niya ang abot ng kanyang makakaya para makapagtapos ng pag-aaral. Nagkamit pa siya ng karangalan bilang cum laude kung kaya’t proud na proud sa kanya ang kanyang mga magulang.

Photo credits: angelaalarcon | IG

Photo credits: angelaalarcon | IG

“So, natapos naman siya ng [Speech Communication] sa University of the Philippines and thank you, Lord, naging cum laude pa siya, so very proud of her, saad ni Jestoni.”

Maliban naman sa pagiging cum laude, at talentong taglay sa pag-arte, ay mahilig rin sa sports si Angela. Sa katunayan, ay talagang maipagmamalaki ang husay ni Angela sa Taekwondo kung saan nga ay isa siyang blackbelter at kabilang rin sa Taekwondo varsity team sa kanilang paaralan.

Photo credits: angelaalarcon | IG

Photo credits: angelaalarcon | IG

Ayon nga kay Angela, ay malaki ang maitutulong sa kanyang karera ng kanyang taekwondo skills at martial arts. Dream project naman ni Angela, ang mga roles na gaya ng mga ginawa ng kanyang action star na ama.

“At saka mahilig talaga ako sa sports kaya pwedeng-pwede ko rin magamit ‘yung pagiging brusko ko sa mga action teleserye.”

“At saka gusto ko rin mag-portray ng strong, adventurous, independent woman roles so hopefully magkaroon ‘nun in the future,”saad ng aktres.

Photo credits: angelaalarcon | IG

Samantala, bilang isang ama naman ay hindi nagkukulang si Jestoni sa pagbibigay ng payo at gabay sa kanyang anak. Isa na nga sa payo ng action star sa kanyang anak ay magpokus lamang sa goal at huwag bigyang pansin ang anumang sinasabi ng mga basher.

Photo credits: angelaalarcon | IG

“His advice is to always remain focused and to do your best in everything that you do especially sa mga lines, kahit onti mo lang na mali na mga lines. Sinasabi niya na people may say things about you and puwede akong masaktan when I enter showbiz, but just always focus on your goal and don’t let them affect you,” saad ni Angela.

error: Content is protected !!