Connect with us

Entertainment

Kilalanin si Angel “Ry” Velasco, Ang Mala-artistahin sa Gandang Anak ng Dating Boksingero na si Onyok Velasco

Marami ang pinabilib ng kakayahan ng dating boksingero na si Onyok Velasco sa loob ng ring. Ang lakas nga ng kanyang kamao at nakapagpatumba ng ilang katunggali sa loob ng ring. Kaya naman, noong taong 1994 ay nagkamit siya ng gold medal sa Asian Games at silver medal naman noong 1996 sa Summer Olympics.

Credits: Instagram | Ry Velasco

Sa ipinamalas na husay ni Onyo sa mundo ng boxing ay talaga namang pinahanga niya ang publiko, kung saan ay tumatak sa puso’t isipan ng bawat Pilipino ang tagumpay na hatid niya sa bansa. Matapos naman ang matagumpay na karera sa mundo ng boxing, ay pinasok naman niya ang mundo ng showbiz bilang isang komedyante.

Maliban naman sa pagiging boksingero at komedyante, ay isa rin siyang mabuti at responsableng ama sa apat niyang anak sa kanyang asawang si May Balisi-Velasco. At isa sa kanyang mga anak ay si Angel “Ry” Velasco na taglay ang mala-artistahing ganda.

Credits: Instagram | Ry Velasco

Si Ry ay isang aspiring make up guru na kadalasang ibahagi ang kanyang kakayahan at husay sa kanyang sariling Youtube Channel. Ayon naman sa Showbiz Reader, si Ry ay nag-aral ng Export Management Sa De La Salle-College of Saint Benilde.

Minsan naman ng nasilayan ang angking kagandahan ni Ry sa telebisyon matapos magguest sa programang Magandang Buhay kasama ang kanyang ama noong 2016. At sa nasabing panayam sa dalaga, ay naihalintulad ni Karla, Melai at Jolina ang taglay nitong ganda sa aktres na si Kathryn Bernardo.

Ibinahagi naman ni Ry sa programa, kung gaano kabuti bilang isang ama sa kanilang magkakapatid si Onyok.

Credits: Instagram | Ry Velasco

“Siya yung parating nagmo-motivate sa ‘min. Alam mo yung tipong kahit small, like… sumasali kasi kami sa mga competitions, kaming mga siblings. Tapos kahit small competition, big competition, parati siyang nandiyan para sumuporta.”

Ayon pa nga kay Ry, ay si Onyok ang humihikayat at nagtuturo sa kanila na huwag sumuko sa buhay, gaano man kahirap ang sinusuong na pagsubok.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa napakagandang mukha ni Ry kung saan ay hindi maikakaila na maaari itong pumasok sa showbiz upang mag-artista. Ang ilan nga sa mga netizens, ay nagbigay ng positibong komento na puno ng paghanga sa dalaga.

Credits: Instagram | Ry Velasco

“Hi po ate ang ganda nyo po fan nyo po ako!!!”

“so pretty naman this girl!!!”

“kamukha mo kapatid ni yassi, ry hahaahhaah <3”

“Your’e so pretty ate.I’m always subscribing on your channel”

error: Content is protected !!