Connect with us

Entertainment

Kilalanin si AJ Raval, Ang Napakagandang Anak ni Jeric Raval na Sumunod sa kanyang Yapak sa Pag-aartista

Published

on

Hindi naman talaga maikakaila na kapag ang sikat na artista kahit pa mawala na sa mundo ng showiz ay mananatili pa rin ang imaheng iniwan niya sa publiko sa mga pelikulang kanyang ginampanan.




Kagaya na lamang ng dating action star na si Jeric Raval na talaga namang tumatak sa mga manonood ang kanyang mga kahanga-hangang moves sa mga action movies. Isa nga sa pinakasikat at hinahangaang aktor si Jeric sa showbiz noong dekada 90 na kung saan ay bumihag rin sa mga puso ng mga magagandang dilag.

Hindi naman talaga maitatanggi ang angking kakisigan ng dating action star na talagang bumagay sa kanyang mga papel na ginampanan sa mga pelikula.

At ang magandang katangian ngang ito ng aktor ang namana ng kanyang napakagandang anak na ngayon nga ay nakaagaw ng pansin ng publiko. Siya nga si AJ Raval, ang bunsong anak ni Jeric sa dati niyang karelasyon na si Alyssa Alvarez na sadyang napakaganda rin. Hindi maikakaila na namana ni AJ ang magandang lahi ng kanyang mga magulang.

Ngunit, ang higit na kahanga-hanga kay AJ, ay hindi lamang magandang katangian ng ama ang kanyang namana kundi pati na rin ang hilig ng ama sa pag-arte. At isa nga sa ipinagpapasalamat ni Jeric sa kanyang anak na si AJ ay ang pagsunod nito sa yapak niya sa pag-aartista.

Ang minahal ngang larangan ni Jeric sa showbiz bilang artista ay ipinagpatuloy ng kanyang napakagandang anak na si AJ. Masaya ang dating action star sa napili at nais tahakin landas ng kanyang anak dahil may magdadala na ng kanyang pangalan patungo sa kasikatan sa mundo ng showbiz.

Unang nasilayan si AJ sa noon time show na “It’s Showtime” sa segment nitong Kaparewho kung saan ay nakasama niya ang ama bilang guest. Agad ngang nakita ang potential ni AJ bilang isang artista. At hindi nga nagtagal ay pinasok na ni AJ ang pag-aartista na talaga namang napakahusay umarte. At ngayon nga ay isa siya sa mga talent ng Viva Artist Agency na talagang makikita ang husay sa pag-arte.




Samantala, hinahayaan ni AJ na maging bukas sa publiko ang buhay niya sa kanyang social media accounts. Makikita nga na talagang aktibo si AJ sa social media kung saan ay madalas niyang ibahagi ang kanyang hilig at mga pinagkakaabalahan. Makikita nga na maliban sa pag-arte ay may angking talento rin si AJ sa pagsayaw at pag-awit.

error: Content is protected !!