Connect with us

Entertainment

Kilalanin Si AJ Dee, Ang Gwapong Aktor Na Nakakatandang Kapatid Ni Enchong Dee

Si Enchong Dee ay kabilang sa mga artistang hinahangaan at kilala sa industriya ng showbiz. Wala naman itong duda dahil talaga namang kahanga-hanga ang kanyang taglay na kagwapuhan. Kaya naman bilang isang artista at modelo ay marami ang nahuhumaling sa kanya. Idagdag pa nga rito ang kahanga-hanga niyang husay sa pag-arte mapapelikula man o teleserye.

Photo credits to the owner

Sa dami nga ng mga proyektong kanyang ginawa ay talaga namang pinatunayan niya ang kanyang sariling talento sa pag-arte. Ngunit, tila nga nasa dugo na ng pamilya ni Enchong ang katangian ng isang artista. Dahil, hindi lamang nga si Enchong ang nag-iisang artista sa kanilang pamilya kundi pati na rin ang kanyang nakakatandang kapatid na si AJ Dee.

Photo credits to the owner

Tulad ni Enchong ay taglay rin AJ ang kahanga-hangang kagwapuhan na matatawag nga na isang hunk. Si AJ ay isang aktor na hindi lamang nga gwapo kundi malakas rin ang karisma dahil sa kanyang makisig na katawan. At bilang isa namang aktor ay pinatunayan rin ni AJ na may ibubuga siya pagdating sa pag-arte. Sa katunayan nga nito ay pinabilib niya ang marami sa kanyang husay sa pag-arte nang mapabilang siya sa teleserye ng GMA na “Amaya” kung saan ay nakasama niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Photo credits to the owner

Ngunit, sa paglipas ng panahon ay hindi na nga napapanood sa telebisyon si AJ. Ito nga ay matapos niyang lisanin ang larangang minahal upang mamuhay ng masaya at tahimik kasama ang kanyang pamilya. Ang naging pasya ni AJ ay sarili niyang desisyon at iyon nga ang makapagpapasaya sa kanya.

Matatandaan noong 2015 sa isang panayam na ibinahagi ni AJ ang dahilan ng kanyang pag-alis sa showbiz. Ayon nga sa aktor, ay nagpasya siyang lisanan ang showbiz dahil nais niyang makasama ang kanyang pamilya. Si AJ ay natagpuan ang kaligayahan ng kanyang puso sa piling ng kanyang asawa na si Olga. Ang kanilang matamis na pagsasama ay nagbunga ng dalawang supling, sina Maximus James at Alexandros Jaden.

Photo credits to the owner

Dahil nga sa Norway naninirahan ang kanyang mag-iina, ay hindi niya masubaybayan ang paglaki ng kanyang mga anak. Bukod nga dito, ay nais rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang responsable at mapagmahal na ama sa kanyang mga anak. Kaya naman, upang maisakatuparan ito, ay nagpasya na siyang lisanin ang showbiz.

Photo credits to the owner

Pag-amin pa nga ni AJ, ay nais niyang masaksihan ang paglaki ng kanyang mga anak at makasama ang kanyang pamilya sa mga espesyal na okasyon sa kanilang buhay. Aminado rin ang dating aktor na mas matimbang sa kanya ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya. At ngayon nga, ay hindi nakikitaan ng anumang pagsisisi si AJ sa kanyang naging pasya bagkus nga ay kitang-kita kung gaano siya kasaya sa piling ng kanyang asawa at mga anak.

error: Content is protected !!