Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Pinoy Celebrities, Hindi Magkadugo Ngunit Tila Pinagbiyak Na Bunga Ang Kanilang Mga Mukha

Published

on

Marami nga sa industriya ng showbiz ang hindi naman magkaanu-ano ngunit magkamukhang-magkamukha na tila sila’y mga kambal kung pinagtabi. Mga taong tila pinagbiyak na bunga at pinagtagpo sa mundo ng showbiz.




Kilalanin ang 11 Pinoy celebrities sa industriya ng showbiz na hindi naman magkadugo ngunit magkamukhang-magkamukha.

1. Marian Rivera at Yasmine Vargas

Ang Primetime Queen ng Kapuso Network na si Marian Rivera ay tila kakambal ng asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Vargas sa sobrang pagkakahawig ng kanilang mukha. Marami nga ang nagsasabi na maaari silang maging magkapatid.

2. Lucy Torres at Kim Domingo

Ang napakagandang mukha ni Lucy Torres ay hindi naman maitatanggi na taglay rin ng aktres na si Kim Domingo na kung saan ay tila pinagbiyak na bunga sa sobrang magkamukha. Ang dalawa ay tila rin magkapatid kung tititigang mabuti ang kanilang magagandang mukha.

3. Carmina Villaroel at Alice Dixson

Kasama rin sa listahan sina Carmina Villaroel at Alice Dixson na hindi maitatanggi ang pagkakahawig ng kanilang mukha. Matagal nang usap-usapan ang pagiging magkamukha nila na magpasa-hanggang ngayon ay napapansin pa rin ng mga netizens at hindi mapigilang magbigay ng komento na talagang magkahawig silang dalawa.

4. Mikael Daez at Mike Tan




Ang mga Kapuso actors naman na sina Mikael Daez at Mike Tan ay magkamukhang-magkamukha ngunit maliban dito, may pagkakapareho din sila sa kanilang mga hilig gaya na lamang ng pagkahilig sa nature at adventure.

5. Ryan Agoncillo at Addy Raj

Mismong si Dabarkadz Ryan Agoncillo ay nakapansin ng pagiging magkamukha nila ni Addy Raj nang bumisita ito sa Eat Bulaga.

6. Bea Alonzo at Bella Padilla

Matagal na ring napapansin ng publiko ang pagkakahawig ng mukha nina Bea at Bella. Na maging ang ABS-CBN Entertainment ay napansin rin ang pagkakahawig nilang dalawa. Ngunit, bukod sa parehong maganda ay hindi rin maitatanggi na parehong taglay nila ang ka-sexyhan.

8. Sarah Geronimo at Morisette Amon

Samantala, sina Sarah at Morisette naman ay hindi lang parehong may kahanga-hangang talento sa pag-awit, kundi magkamukhang-mukha rin sila na tila sila’y kambal.

9. Regine Velasquez at Angeline Quinto

Maging ang magagaling na singer na sina Regine Velasquez at Angeline Quinto, ay kabilang rin sa listahan ng mga magkakamukha sa industriya.




10. Kathryn Bernardo at Nadine Lustre

Kahit saang anggulo man tingnan, hindi maikakaila na magkamukhang-magkamukha sina Kathryn at Nadine. Taglay rin nila pareho ang husay at galing sa pag-arte sa bawat proyekto.

11. Toni Gonzaga at Arianne Bautista

Sa unang tingin palang makikita na agad pagkakahawig nina Toni at Arianne sa isa’t isa. Hindi maitatanggi na tila sila’y kambal sa sobrang pagkakahawig ng kanilang mukha kung saan ay hindi naman magkadugo ngunit tila sila’y pinagbiyak na bunga.

error: Content is protected !!