Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Panganay Na Kapatid Ni Joshua Garcia Na Pang-Showbiz Din Ang Datingan Dahil Sa Angkin Nitong Ganda

Published

on

Sino bang solid Kapamilya fanatics ang hindi nakakakilala sa loveteam na “JoshLia” nina Joshua Garcia at Julia Barretto, mula sa kanilang mga tagahanga ay talaga namang pumatok ang kanilang naging tambalan at sa bawat eksenang kanilang pinagsamahan ay tunay na naghatid ito ng kakaibang kilig sa puso ng bawat manunuod.

At para sa aktor na si Joshua Garcia hindi maitatanggi ang taglay na husay niya pagdating sa harapan ng kamera. Sa kabilang banda, masasabing napakapalad din ng binatang aktor dahil bukod sa mga taga-hangang walang sawang sumusuporta sa kanya ay naroroon din ang kaniyang mahal na pamilya na palaging handang umalalay sa pinili niyang karera sa buhay.




At masasabing tunay nga na pinagpala ang ‘Ngayon at Kailanman” aktor sa kanyang nakakatandang kapatid na si Lorenza Mae Garcia dahil kung ang ibang mga artista ay may mga stage parents hindi naman ito nagpahuli bilang stage sister dahil sa pagiging very supportive nito sa acting career ng kanyang nakababatang kapatid na si Joshua.

Samantala, kahit pa isa na itong proud na single mom sa anak na si Skyler at may sarili ding trabaho bilang tech dermatology sa pinapasukang skin cosmetic clinic ay hindi naging hadlang upang hindi niya masuportahan ang kapatid na si Joshua. Sa katunayan sa kanyang sariling Instagram account ay hindi niya kinakalimutang ibahagi ang mga latest na mga proyekto ng 22 taong gulang na aktor.

 

Sa isang panayam sa kanya ng minsang nag-guest sa programang ‘Magandang Buhay’ ay ibinahagi niya ang magandang pinagsamahan ng kapatid na si Joshua at kung paanung mas naging panganay pa ito para sa kanya lalo na noong suportahan siya nito ng maging single mom siya sa anak na si Skyler.




Sa Instagram ng proud ate ng “Block Z” aktor ay ipinost niya ang larawan nilang magkaptid,




“renzamae Palakihan ng eyebags 😂 @garciajoshuae”, caption pa nito.

Ilang mga netizen ang humanga sa angking kagandahan ni Renza,
“teody11 ganda nyong tingnan 😍😍😍”,
“iamdocmye Iba din ang lahing garcia 😍 Pogi at Maganda 🥰”,
“dhezhyyyyy Sibling love! 😭💖😘”,
“itsjhe.e Hayyy gagandang lahi nmn 😍😍”,
“guerragemmabel Te Amo ❤️💕 both of you”.

error: Content is protected !!