Connect with us

Entertainment

Kilalanin ni Sabriya, Ang Anak ng Singer na si Jaya na Namana ang kanyang Taglay na Talento sa Pag-awit at Angking Kagandahan

Ang singer na si Jaya ay isa sa hinahangaang singer sa bansa. Kapag bumirit na nga si Jaya sa gitna ng entablado ay talagang hahanga ang makakarinig sa kanyang magandang tinig. At bilang isang sikat na mang-aawit, ay talagang tumatak na sa puso at isipan ng mga Pilipino ang kanyang mga nakakaantig na awitin.

Matatandaan na mas nakilala si Jaya ng publiko matapos mapabilang sa sikat ng programa noon ng GMA na SOP na mapapanood tuwing Linggo, kung saan nakasama rin niya ang mga batikang mang-aawit na taglay rin ang nakakabilib na talento na sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid at Janno Gibbs.




Samantala, ang mahusay na mang-aawit na si Jaya ay kilala rin sa tunay na buhay ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan bilang si Maria Luisa Ramsey. Siya nga ay anak ng komedyante at singer na si Elizabeth Ramsey.

Katulad naman ng mga awitin ni Jaya, ay makulay rin ang kanyang buhay pag-ibig, kung saan ay una niyang napangasawa ang musician na si Andrew Buffington noong 1998. Ngunit, agad itong nagwakas noong 2001. Muli na namang tumibok ang puso ni Jaya sa katauhan ng kanyang asawa ngayon na si Garry Gotidoc na kanyang pinakasalan noong May 2006. At ang masaya nilang pagsasama ay biniyayaan ng dalawang anak, sina Sabriya at Dylan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya (@jaya)

Ang babaeng anak ni Jaya na si Sabriya, ay kanyang ipinagmamalaki maliban kasi sa namana nito ang taglay niyang ganda, at namana rin nito ang pagkahilig niya sa musika. Isa ngang talentadong bata si Sabriya, na kahanga-hanga ang talento sa pag-awit. Hindi nga lamang ito, dahil marunong ring tumugtog ng gitara si Sabriya.

Ngunit, ang mas kahanga-hanga pa sa anak na ito ni Jaya, ay ang talento nito sa pagsusulat ng mga kanta. Talaga nga namang proud na proud si Jaya sa kanyang anak kaya naman madalas rin niyang ibahagi sa Instagram ang larawan ng kanyang anak.




At bilang isang proud mommy, ay ipinapakita rin ni Jaya ang kanyang pagsuporta sa mga nais gawin ng kanyang anak na si Sabriya lalo na nga sa pagkahilig nito sa musika. Ipinagmamalaki nga ni Jaya, na sa murang edad ni Sabriya, ay marami na itong kaalaman pagdating sa musika, kaya naman mas lalo pang nahahasa ang angking talento nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jaya (@jaya)

Samantala, ngayon pa lang nga ay marami ng mga netizens ang humahanga hindi lamang sa galing at husay ni Sabriya sa pag-awit, kundi pati na rin sa kanyang kahanga-hangang kagandahan na mala-Hollywood ang dating.

Narito ang pahayag ng mga netizens:

“Lakas maka Willow Smith ung vibe ni Sabriya.”

“Sabriya is radiating this confidence of believing her own beauty. Lovin’ it.”

“Ang ganda ni Sabriya. Pang Hollywood!”

“Ang ganda ni Sabriya!!! She can be model, beauty queen, musician.”

error: Content is protected !!