Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Napakagandang Anak Ng Kadenang Ginto Star Dimples Romana, Nais Maging Piloto

Published

on

Talaga nga namang pagdating sa ating mga anak, bilang isang magulang ay ginagawa natin ang lahat upang maibigay lamang ang kanilang mga pangangailangan at nais gawin sa buhay. Bilang isang magulang rin, handa tayong magsakripisyo ng kahit na anong bagay alang-alang sa ating mga anak. Nais rin natin na magkaroon ng maayos at magandang buhay ang ating mga anak at huwag makaranas ng hirap sa bawat araw ng kanilang pamumuhay. Higit sa lahat, ipinapakita natin sa kanila ang ating pagsuporta sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Pagdating naman sa pagmamahal, pagmamahal ng magulang ang walang katumbas na kung saan ay talagang ipinaparamdam at ipinapakita natin ang pagmamahal sa ating mga anak. Bagay na tumatak na sa pagiging Pilipino natin, kung paano natin mahalin ang ating pamilya, higit ang ating mga anak.




Hindi lamang mga ordinaryong magulang ang may kakayahang ipamalas ang pagmamahal sa mga anak, dahil maging ang mga kilala nating artista sa industriya ng showbiz, bagama’t abala sa dami ng mga proyekto at pagkakaroon ng busy schedule, ay nakapaglalaan pa rin oras sa mga anak upang iparamdam ang pagmamahal at pag-aaruga.

Isa na nga rito ang Kadenang Ginto Star na si Dimples Romana na talagang pinatunayan na hindi hadlang ang kanyang busy schedule upang makapag-laan ng oras at suportahan ang kanyang mga anak sa pag-abot ng kanilang mga pangarap sa buhay.

Kilala si Dimples sa kanyang pagiging mahusay na aktres sa industriya ng showbiz, ngunit higit na tumatak sa ating mga puso at talagang nagpaantig sa ating mga damdamin ang husay niya sa pag-arte sa pagganap sa teleserye ng Kapamilya Network na ‘Kadenang Ginto’ bilang si Daniela Mondragon. Ngunit, hindi lamang pagiging mabuting ina ni Marga sa teleserye umiikot ang buhay ni Dimples. Dahil higit naman niyang naipapamalas sa tunay na buhay ang kanyang pagiging mabuting magulang sa kanyang mga anak na si Callie at Alonzo.

Kamakailan nga, nang ipamalas ni Dimples sa publiko ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak. Hinangaan nga siya ng publiko dahil sa ipinakita niya pagsuporta sa mga pangarap ng dalawa niyang anak. Nang matapos nga ang mga proyekto ni Dimples at magkaroon ng sapat ng oras para sa pamilya, hindi niya ito pinalampas upang maka-bonding ang kanyang pamilya.




Kaya naman, ang pagkakataong ito ay gigugol ng aktres kasama ang kanyang mga anak upang bumuo ng mga masasayang alaala nang sila ay magbakasyon sa Finland. Hindi nga matatawaran ang saya sa naging bakasyon nilang ito.

Ngunit, maliban sa pagbibigay ng oras sa pamilya, pinagtutuunan rin ng pansin at oras ni Dimples ang kanyang panganay na anak na si Callie. Isang taon ring nawalay si Callie sa piling ng inang si Dimpe nang manirahan ito sa Australlia upang tuparin ang pangarap na maging isang piloto. Kaya naman, ang inang si Dimples ay hindi pinapalampas ang bawat sandali na magkaroon sila ng bonding at mas maraming oras na magkasama.

Maliban dito, labis ring ipinagmamalaki ni Dimples si Callie dahil sa murang edad nito, nagsisimula na ito sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay, na hindi maitatanggi na alam agad nito ang karerang nais tahakin, maging ang buhay na nais ni Callie ay tila nasa plano nang lahat.

At bilang isang ina, nagawang isakripisyo ni Dimples ang sarili na mawalay sa kanyang anak para lamang sa kapakanan ni Callie at sa pangarap nito. Dahil ito nga ang unang pagkakataong mawawalay sa anak, maraming may mga bagay ang sumasagi sa isip ni Dimples dahil sa pag-aalala sa anak.




Kasama na nga rito ang nararamdaman niyang takot at pangamba ngunit hindi naman siya nagpatinag at kanyang nilabanan ang lungkot kung saan pinatatag niya ang sarili sa araw-araw para lamang makamit ni Callie ang tagumpay sa minimithi nitong pangarap.

Ayon naman kay Dimples, napakaswerte niya sa pagkakaroon ng napakabuting anak na gaya ni Callie. Isang dalagang responsable at mapagmahal sa magulang. Hindi rin maikakaila ang pagkakaroon nito ng mabuting kalooban.

Tunay nga na para kay Dimples, pamilya ang pinakamahalaga sa buhay niya. Dito na umiikot ang kanyang mundo sa araw-araw, na mas lalo namang binibigyan ng kaligayahan ang kanyang bawat araw ng kanyang mga mapagmahal na mga anak.

error: Content is protected !!