Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Mga Pinoy Celebrity Na Ikagugulat Natin Na May Dugo Palang Dayuhan

Published

on

Gwen Zamora
Sa unang tingin ay hindi mapapansin na may lahing Italian si Gwen Zamora na sa tunay na buhay ay si Gwenaelle Tasha Mae Agnese.




Arci Muñoz
Ang rockstar singer na magandang dalaga ay may mga magulang na mula sa mga Espanyol.

Jessy Mendiola
Isa rin ang Kapamilya artist sa mga celebrity na may dugong dayuhan dahil sa kanyang amang isang half British at half Lebanese.

Yassi Pressman
Samantala, ang magaling na aktres ng ‘Ang Probinsyano’ at magaling sa dance floor ay may amang British at purong Pilipino naman ang kaniyang ina.




Derrick Monasterio
Palagi namang nagbabakasyon sa US ang gwapong aktor kung saan naroroon ang ama na isang Amerikano at half sister na magandang Amerikana.

Angelika Dela Cruz
Sa mga hindi nakakaalam ang Kapuso actress ay kalahating Italian at Pilipino.

Derek Ramsay
Sa mga hindi nakakaalam ang hunk aktor na si Derek Ramsay ay may dugong British.

Jaclyn Jose
Oo ang beteranang aktres na sa tunay na buhay ay si Mary Jane Sta Ana Guck ay mula lang naman sa lahing German at American.




Heart Evangelista
Ang magandang maybahay naman ni Senator Chiz Escudero ay galing sa pamilya ng mga Filipino-Chinese.

Venus Raj
Sa unang tingin ay hindi mo aakalain na may dugo palang Indian ang glamorosang beauty queen.

Tom Rodriguez
Ang ama naman ng magaling na aktor ay isa lang namang American US Navy serviceman.




Kim Domingo
Sa taglay niyang kagandahan ay mapapahanga ka talaga ngunit konti lang ang nakakaalam na si Kim pala ay may dugong French.

Ejay Falcon
Samantala, napapabalitang ang tunay na ama ng ‘Sandugo’ aktor na si Ejay ay may nationality na French.

Janine Gutierrez
Si Janine Gutierrez na bumida sa ‘Dragon Lady’ ay buhat sa lahi ng mga Espanyol.

Carla Abellana
Ang Kapuso actress ay may dugong Spanish-German dahil sa kanyang lolang si Delia Razon na isa rin dating magaling na aktres noong kapanahunan niya.




Marian Rivera
Hindi naman pahuhuli ang proud husband ni Dingdong at mommy nila Maria Letizia at Jose Sixto Gonzales na may ama palang isang Espanyol.

error: Content is protected !!