Connect with us

Lifestyle

Kilalanin: Mga Pinay Celebrities na Handang Gumastos ng Mahigit 5 Milyon Piso Para Sa Kinahihiligan nilang Designer’s Bag Collection

Published

on

Likas na nga sa mga kababaihan ang pagkahilig sa mga materyal na bagay. At ang isa sa bagay na kinababaliwan ng mga kababaihan ay mga mamahaling bag. Talaga nga namang nakakatukso bumili ng mga mamahaling bag lalo na kung ito’y may napakagandang disenyo.

Ang isa nga sa kilalang mamahaling bag ay ang Hermes Birkin at Hermes Kelly na kung saan ay kadalasang ginagamit ng mga bigating celebrities sa mundo. Ang mga bag na ito ay hango sa pangalan ng dalawang pinakakilalang babae ng siglo, sina Jane Birkin at Grace Kelly.




Pagdating naman sa mundo ng Hollywood ay may grupo ng tagahanga ang klasikong bag na ito na talaga nga namang nangingibabaw sa lahat kapag ginagamit. Kabilang na nga rito ang mga sikat na Hollywood stars na sina Jennifer Lopez, Kim Kardashian, Beyonce, at marami pang iba pang Hollywood A-listers.

Hindi rin naman magpapahuli ang mga Pinay Celebrities sa pagkakaroon ng kanilang sariling pagmamay-ari ng Hermes bag. Isa-isa natin silang kilalanin.

Heart Evangelista

Ang Kapuso Actress na si Heart Evangelista ay kilala sa kanyang pagiging fashionista, kaya naman hindi mawawala sa mga koleksyon niya ang Hermes bag. Si Heart ay may net worth na mahigit $4 million kung kaya’t simple lamang kay Heart ang makabili ng isang Hermes. Ilan nga sa pinakamahal na Hermes na mayroon si Heart ay Birkin Matte White Himalayan Crocodile Palladium. Mayroon rin siyang isang 245 na diamonds at 18-karat white gold hardware na naibenta sa kanya ng $300,168 na katumbas ng 15,038,566 million pesos.

Ang Stans bling naman ay maaaring mabili online sa halagang $100,000 o humigit-kumulang na 5-million. Nagmamay-ari rin si Heart ng isang Ostrich leather Birkins, na mabibili naman online sa halagang $30,000 o 1.5-million pesos.

Marian Rivera

Spotted rin ang aktres na si Marian Rivera sa kanyang Instagram account na may mga mamahaling Hermes bag. At ang Kapuso Prime Queen ang isa nga sa mga maswerteng nakakuha ng pambihirang Hermes Kelly White Himalayan Crocodile with Palladium Harware.

Ang rare item na ito ay may sukat na 28-cm at ang Hermes Kelly na ito ay nagkakahalaga naman ng $160,000 o 7.5-million pesos.
Nakita rin si Marian na may bitbit na Hermes Graphite Porosus Croc Birkin, na ayon sa Portero.com ay nagkakahalaga ng $98,500 o mahigit kumulang 490,000 pesos.




Jinkee Pacquiao

Tiyak naman na hindi magpapahuli ang asawa ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa pagkakaroon ng koleksyon ng mga mamahaling Hermes bag. At si Jinkee nga ang itinuturing na may pinakamaraming bilang ng Hermes bag sa mga celebrities sa bansa. Isa nga sa parehong nakuha nina Heart at Jinkee ay ang White Himalayan Crocodile Birkin.

Hindi naman maitatanggi ang samut-saring Hermes bag ni Jinkee dahil sa bawat outfit niya na makikita sa Instagram ay halos Hermes ang bitbit niyang bag. Maging kapag may pupuntahan siyang meeting ay Hermes pa rin ang dala-dala niya.

error: Content is protected !!