Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Mga Panganay na Anak na Lalaki ng Surfer na si Philmar Alipayo sa kanyang Dating Nakarelasyon

Si Philmar Alipayo ay kilalang professional surfer kung saan ay nagdala na tagumpay sa ating bansa. Siya nga ay nagwaging Champion – PSCT 2017 bilang Rank # 2 sa Asia noong 2016, at Champion ng West Sumbawa Pro noong 2016. Hindi maikakaila ang kanyang angking husay pagdating sa larangan ng surfing na talaga namang kahanga-hanga. Kaya naman, kilalang-kilala rin siya sa Isla ng Siargao na labis na ipinagmamalaki ng mga mamamayang nakatira sa Isla.




Ngunit, higit pang nakilala si Philmar ng publiko matapos siyang maging partner sa buhay ang aktres na si Andi Eigenmann. Bagama’t, iniwan ng aktres ang showbiz upang manirahan sa isla at makasama si Philmar, nananatili pa rin itong aktibo sa social media at sa kanyang vlog. Kaya naman, ang kanilang simpleng pamumuhay sa isla kasama si Philmar ay naibabahagi niya sa publiko.

Photo credits: www.google.com

Samantala, ang kanilang pagsasama ay biniyayaan ng isang napakacute na babaeng anak na pinangalanan nilang Baby Lilo. Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami, maliban sa anak ni Philmar kay Andi na si Baby Lilo ay may mga anak pa siya sa kanyang mga dating nakarelasyon.

Kung mapapansin niyo ang batang lalaki na madalas kasama nina Andi at Philmar sa mga vlog ni Andi, ito ay ang panganay na anak ni Philmar sa nauna niyang nakarelasyon, siya si Toro Alipayo. Si Toro ay nasa poder ng kanyang amang si Philmar at naninirahan kasama nina Andi. At kagaya nga ng kanyang ama, mahilig rin sa surfing si Toro. Madalas ngang surfing ang bonding moments nilang mag-ama upang mas lalo pa itong matutong magsurfing.

Photo credits: www.google.com

Photo credits: www.google.com

Maliban naman kay Toro ay may isa pang panganay na anak na lalaki si Philmar. Ito nga si Kanoa na anak naman ni Philmar sa dati niyang kasintahan na si Ananda Bagalciage na kasalukuyang nakatira sa France. Si Kanoa ay ipinanganak noong March 2, 2015 at ngayon nga ay limang taong gulang na ang bata.

Photo credits: www.google.com

Kilala rin sa Kanao sa palayaw niya bilang Kanono. At gaya nga ng kanyang cute na palayaw at napakacute na bata rin ito. Dahil nga may lahing French ay hindi maikakaila ang gwapo nitong mukha. Si Kanono nga ay may matangos na ilong, maputing kutis, magandang buhok at bilogang mga mata.




Samantala, kasalukuyang naninirahan si Kanono sa France kasama ang kanyang ina. Kaya naman, matagal ng panahon na hindi nakikita ni Philmar at tanging sa mga larawan at video lamang niya nasisilayan ang anak. Dati umanong kasama ng mag-ina si Philmar sa France, ngunit nagpasya si Philmar na bumalik sa Pilipinas at doon na nga natapos ang relasyon nila ni Ananda.

Photo credits: www.google.com

Bagama’t, malayo sa isa’t isa ang mag-amang Kanono at Philmar, hindi naman nawawala sa alaala at puso ni Philmar ang anak. Makikita nga sa mga post ni Philmar sa Instagram na talagang miss na miss na niya si Kanono.

May bago mang pamilya si Philmar, hindi naman nawawala ang pagmamahal niya sa kanyang mga anak sa mga dati niyang nakarelasyon na kung saan ay patuloy niyang ipinaparamdam ang kanyang pagmamahal sa mga ito.

error: Content is protected !!