Connect with us

Entertainment

Kilalanin, Mga Cute Celebrity Babies Na Tiyak Na Maghahatid Ng Good Vibes Habang Tayo Ay Nakaquarantine

Marami sa atin ang nababagot na sa ating mga tahanan habang tayo ay sumasailalim sa quarantine. Ang ilan naman sa atin ay sa bahay na lamang nagtatrabaho upang maiwasan at labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Habang tayo ay nasa ilalim ng pinapairal na enhanced community quarantine, ito naman ang tamang panahon upang magkaroon ng bonding moments kasama ang pamilya.




Ngunit, tiyak na ang ilan ay nababahala na sa suliraning kinakaharap at tila nakakaranas na ng bad vibes habang nasa loob ng kanilang tahanan. Kung kaya’t kinakailangan ng mga bagay na makakapag-alis ng bad vibes at mapalitan ito ng positibong enerhiya.

Narito ang mga larawan ng celebrity babies na tiyak na makakapag-alis ng bad vibes at maghahatid ng good vibes dahil talagang napaka-cute ng mga ito at mapapangiti ka sa kanila.

BABY LILO

Photo credits: Andieigengirl | Instagram

Photo credits: Andieigengirl | Instagram

Si Baby Lilo ay ang cute na anak ng aktres na si Andi Eigenmann at ni Philmar Alipayo. Ang cute na baby ay may napakaganda ring pangalan na Keliana Alohi Eigenmann Alipayo at tinatawag naman ng kaniyang mga magulang ng Lilo. Si Baby Lilo ay ipianganak noong ika-23 ng Hulyo 2019, 1:27 pm. Siya ay kapatid ni Ellie. Si Baby Lilo ay binansagang cutest island girl baby ng kaniyang mga magulang.




PANCHO AT BABY VITO

View this post on Instagram

Hi, world!

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

Sina Pancho at Baby Vito ay anak ng mag-asawang Saab Magalona at Jim Bacarro. Ang panganay na anak na si Pancho Gerardo Bacarro ay ipinanganak noong Pebrero 8, 2018, samantalang ang cute na bunsong si Vito Thomas Bacarro naman ay ipinanganak noong Setyembre 16, 2019. Napakalambing ng mga cute na bata sa kanilang magulang na kung saan ay palagi silang nagbabonding sa kanilang tahanan. Palagi ring nakikipagkulitan ang amang si Jim sa kaniyang mga baby. At ayon pa sa mag-asawang Saab at Jim, itinuturing nilang best friends ang kanilang mga mahal na anak.

BABY RIVER




Ang cute na baby girl na nasa larawan naman ay anak ng aktor na si Jc Santos sa non-showbiz wife nitong si Shyleena Herrera. Baby River ang tawag ng mag-asawa sa kanilang napakacute na anak na babae na talagang mahal na mahal at inaalagaan nila nang husto.

PRIMO AT BABY LEON

Photo credits: drewarellano | Instagram

Ang napakacute naman na sina Primo at Baby Leon ay anak ng mga Kapuso Celebrities na sina Drew Arellano at Iya Villania. Ang gwapong panganay na si Antonio Primo ay isinilang noong Agosto 30, 2016 samantalang ang cute na si Alonzo Leon naman ay isinilang noong Agosto 19, 2018.

BABY ADALYNN

Photo credits: alyannamartinez | Instagram

Ang cute na si Baby Adalynn ay panganay na anak ng aktres na si Alyanna Martinez sa asawa nitong si Roy Racam. Adalynn Riley ang buong pangalan ni Adalynn. Ipinanganak si Baby Adalynn noong Enero 19, 2018 sa Gracefull Birthing Center na matatagpuan sa Los Angeles California.




GAVIN

Si Gavin Cale Sommereux naman ay pang-apat na anak ng aktres na si Gladys Reyes at Christopher Roxas. Ipinanganak si Gavin noong Mayo 10, 2017. Itinuturing naman si Gavin bilang little star ng kanilang pamilya.

MALIA

Ang cute na baby girl na si Malia Francine O’Brian ay anak ng komedyanteng si Pokyang sa asawa nitong American actor na si Lee O’Brian. Ipinanganak ni Malia noong Enero 18, 2018. Talaga nga namang napakaganda ng anak na ito ni Pokwang na taglay rin ang talento ng kaniyang mga magulang.




BABY AMELIA

Photo credits: andimanzano | Instagram

Si Baby Amelia ay anak ng radio personality na si Andi Manzano sa asawa nitong businessman na si GP Reyes. Ipinanganak si Baby Amelia noong Enero 19, 2019 na pangalawang anak ng mag-asawa. Napakaganda rin ng buong pangalan nito na Corazon Amelia na talagang bagay na bagay sa cute at maamong mukha nito.

error: Content is protected !!