Kilalanin Mga Artistang Aktres Na Ang Mga Anak Ay Parang Nakababatang Kapatid Lang

Nakakatuwang pagmasdan ang mga magulang na parang kapatid lang ang mga turingan sa kanilang mga anak. Mula sa mga litratong nagpapakita ng pagiging closeness nila sa isa’t isa hanggang sa mga libangang ineenjoy nilang magkakasama.

Samantala nakakamanghang makita ang mga sikat na artista na kasama ang mga anak nila. At tila ba hindi lumipas ang maraming panahon na ngayon ay malalaki na ang mga anak ay nanatili pa rin ang dating itsura at napapagkamalang nakakatandang “ateng” kapatid lang ng mga anak.



At ngayon ating pagmasdan ang mga sikat na magagandang aktres kasama ang mga anak na mapapatanung at mapapaisip tayo kung anak ba talaga o kapatid lang ang kanilang mga anak.

Ruffa Guttierez

Ang dating “Binibining Pilipinas World ” na si Ms.Ruffa Guttierez ay masasabi mong parang nakakatandang kapatid lang sa dalawang anak na babae na sina Lorin at Venice.

Gretchen Barretto

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa nag-iisang Gretchen Barretto dahil sa angking ganda nito. Sa ngayon ang anak niya sa asawang si Tony Boy Cojuangco ay ganap ng dalaga at marami ang nagsasabi na tila ba kapatid lang niya ang magandang anak.

Sunshine Cruz

Samantala ang mag-iina namang sina Sunshine Cruz at sina Angeline, Francheska at Samantha na kapag magkakatabi na ay masasabi mong halos nakakabatang kapatid lang ang tatlong anak.

Jean Garcia

Sa kabilang banda ang Kapuso Actress naman na si Ms.Jean Garcia ay masasabing hindi bagay sa edad ang taglay na ganda at kapag kasama na ang anak na si Jennica ay halos kapatid lang ang magandang anak, na sa ngayon ay may asawa at anak na din.



Donna Cruz

Kung makikita mo naman ang magandang dilag na si Belle Larrazabal na anak ng dating aktres at singer na si Donna Cruz ay mapagkakamalang magkapatid lamang silang dalawa dahil sa taglay nila ang parehong kagandahan.

Angelu De Leon

Marami naman ang nagsasabi na parang kambal lang ang dating “TGIS” aktres na si Angelu De Leon at ang kanyang 20 taong gulang na anak na si Nicole.



Benjie Paras

Samantala ang dalawang lalakeng anak naman ni dating PBA Player Benjie Paras na sina Andre at Kobe ay masasabing nakakabatang kapatid ng kanilang inang si Jackie Forster.

Kabilang lang sila sa mga artista na dahil sa taglay na hindi umeedad na itsura ay parang mga nakakatandang kapatid lang ng kani-kanilang mga anak at talaga namang nakakalito minsan kapag sila ay ating napagmamasdan.