Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Mga Artista Na Nawalay Sa Piling Ng Tunay Na Magulang At Nagkita Kamakailan Lamang

Published

on

Sadyang mapaglaro ang tadhana, kung saan may mga bata na matapos isilang ay hindi na nila nasilayan at nakilala man lang ang kanilang mga magulang. May mga magulang naman na matapos ipanganak ang supling ay iniiwan na lamang ang bata sa mga kamag-anak. May ilan namang mga bata na lumalaki sa poder ng ina o kaya naman ama dahil sa paghihiwalay ng kanilang magulang at hindi na nagisnan ang isa sa kanyang mga magulang. Mayroon din namang lumalaki sa poder ng mga lolo at lola. Ngunit, ang isang bagay na hindi inaasahan ng lahat ay ang batang mapabilang sa pagiging ampon at lumaki sa kanilang adoptive parents.




Ang mga batang ito ay sadyang malungkot ang dinanas ngunit, sa bandang huli naman ay napalitan ng kasiyahan ang kanilang kalungkutan dahil dumating naman sa buhay nila ang araw na nakilala na nila ang kanilang mga tunay na magulang.

Hindi lamang sa pelikula nangyayari ang mga ganitong pangyayari kundi maging sa tunay na buhay. At ilan nga sa mga kilala nating artista ay kamakailan lang nila nakilala ang kanilang mga tunay na magulang matapos ang maraming taon.

Marian Rivera

Ang isa sa mga hinahangaang may napakagandang mukha sa industriya ng showbiz na si Marian Rivera ay lumaki sa poder ng kanyang lola, matapos maghiwalay ang kanyang ina at Spanish dad. Ngunit, matapos ang ilang taon, noong 2010 nang magtungo si Marian sa Spain ay nakilala at nakita na niya ang kanyang ama. At noong 2014 nga, nang magpakasal sila ng asawang si Dingdong Dantes, kasama niyang maglakad sa aisle ang kanyang ama at naging saksi sa pagmamahalan nila ni Dingdong.

Julia Montes

Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na lumaki si Julia ng wala sa piling niya ang kanyang ama. At noong 2016, nang magpahinga sa trabaho bilang artista, nagtungo siya sa Germany at doon siya namalagi kasama ang kanyang ama na si Martin Schittka na kanyang nakita sa unang pagkakataon.




Angelica Panganiban

Bagama’t puno ng saya ang buhay ni Angelica sa telebisyon, may lungkot naman siyang nararanasan sa totoong buhay dahil ilang taon na niyang hindi nakikita ang kanyang ama at lumaki lamang sa piling ng kanyang adoptive parents. Ngunit, noong 2010 ay naibsan na ang kanyang kalungkutan nang magtungo siya sa Los Angeles, California upang makita ang kanyang amang si Martin Charison.

Liza Soberano

Ang aktres naman na si Liza Soberano ay lumaki sa poder ng kanyang grandparents. Ipinanganak siya sa California, USA ngunit noong siya’y 10 taong gulang pa lamang ay iniuwi siya sa Pilipinas ng kanyang amang si John Castillano. Kaya naman hindi niya nakasama ang ina sa kanyang paglaki, ngunit noong 2015, sa wakas ay nakita at nakilala na niya ang inang si Elizabeth Hanley na naninirahan sa California.




Lolot De Leon

Alam naman nating lahat na si Lotlot ay lumaki sa pangangalaga nina Nora Aunor at Christopher De Leon. Hindi man tunay na anak ay legal at itinuring naman siyang sariling anak ng mga ito. Nakilala lamang niya ang kanyang tunay na magulang noong 2009 nang magtungo siya sa Florida.

Toni Labrusca

Ang aktor na si Toni Labrusca ay nabigyan ng pagkakataong makilala ang kanyang tunay na ama na isa ring artista na si Boom Labrusca nang sumali siya sa reality television talent hunt noong 2016.




Marc Pingris

Ang sikat na basketbolista sa PBA na si Marc Pingris ay hindi man lang nasilayan at nakilala ang kanyang mga tunay na magulang simula pagkabata. Sa katunayan, hinanap pa niya ang mga ito ng ilang taon. At sa tulong nga ng asawa niyang si Danica Sotto at adoptive mom na si Erlinda Prado, matagumpay nilang nahanap ang mga tunay na magulang ni Marc. At noong 2014 nga, sa wakas ay nakita at nakilala na rin niya ang kanyang tunay na mga magulang sa Antibes.

error: Content is protected !!