Connect with us

Entertainment

Kilalanin: Ashley Diaz, Napakagandang Anak Ni Joko Diaz, Sumabak Na Rin Sa Pag-aartista

Published

on

Bilang isang magulang na nakatuon lamang ang pansin sa pagpapalaki ng ating mga anak, hindi natin namamalayan na sa paglipas ng panahon na ang munting bata na ating inaalagaan ay isa nang malaki at ganap na dalaga o binata ngayon.




Hindi nga biro ang maging magulang at magpalaki ng mga anak, isa itong napakalaking responsibilidad na nakaatang sa balikat ng mga magulang. Lahat ay gagawin ng isang magulang magkaroon lamang ng maayos at magandang buhay ang kanilang mga anak. Ginagawa rin natin ang lahat upang suportahan ang pangarap ng ating mga anak. Kaya naman, kapag ang pangarap na minimithi ng ating mga anak ay kanilang naisakatuparan, walang katumbas namang kaligayahan ang hatid nito sa mga magulang. Na tila napawi ang lahat ng paghihirap at sakripisyong ginawa para sa mga anak.

Walang katumbas na kaligayahan nga ang nararamdaman ng aktor na si Joko Diaz dahil ang anak niyang si Ashley ay ganap ng dalaga ngayon at handa na ring harapin ang mga hamon ng buhay sa pag-aartista sa industriya ng showbiz.

Hindi maitatanggi na kagaya ng amang si Joko, nakitaan rin ng potential ng mga netizens si Ashley sa pagiging artista dahil taglay rin ni Ashley ang napakagandang mukha. At sa kanyang new looks nga, kung saan ay bagay na bagay sa kanya ang bagong hairstyle na maikling buhok, hindi napigilan ng mga netizens ang humanga kay Ashley.




Ibinahagi nga ni Ashley ang kanyang larawan sa social media at nilakipan ng caption na “Hello”. Marami sa mga netizens ang nabighani sa bagong hitsura at hairstyle ni Ashley na hindi maitatanggi na talagang napakaganda niya at bumagay sa kanya ang maikling buhok. Makikita rin ang pagiging malapit ng mag-ama sa isa’t isa, sa katunayan ay nagpost pa ng isang sweet na mensahe si Ashley para sa kaarawan ng kanyang ama noong April.

Samantala, pagdating naman sa karerang tinatahak ni Ashley, hindi nawawala sa tabi niya ang amang si Joko kung saan ay patuloy na ipinapakita ang labis na pagsuporta sa kanyang anak. Sa katunayan, nang handa ng sumabak sa pag-aartista si Ashley at pasukin ang mundo ng showbiz, kasama pa niya ang kanyang ama sa pagpirma ng kontrata. Hindi naman maikakaila na ginagabayang mabuti ni Joko si Ashley sa kanyang napiling karera, maging sa pinansyal na aspeto ay ginagabayan rin si Ashley ng kanyang mga magulang.

Tiyak naman na mamamayagpag ang karera ni Ashley sa mundo ng showbiz, dahil kagaya ng kanyang ama, taglay rin ni Ashley ang magandang mukha at talento sa pag-arte.

Si Joko Diaz ay nakilala noong dekada 80 sa industriya ng showbiz at hanggang ngayon ay nananatili pa rin ang husay at galing sa pag-arte, lalong-lalo na sa kanyang papel bilang kontrabida sa mga pelikula at teleserye. Huli nga natin siyang napanood sa teleserye ng Kapamilya Network na “Kadenang Ginto” bilang si Hector.




Nagpakasal naman si Joko sa kanyang non-showbiz wife na si Abigail at biniyayaan sila ng dalawang anak, sina Ashley at Pacquie. Mayroon rin siyang naging anak sa aktres na si Angelu De Leon, si Nicole De Deleon.

error: Content is protected !!