Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Walong Celebrity Moms na Minahal at Itinuring na Tunay na Kadugo ang Anak ng Kanilang mga Asawa sa Iba

Published

on

‘Wala yan sa dugo, nasa pagmamahal yan’, mga katagang may malalim na kahulugan. Hindi kadugo o kaanu-ano ngunit handang mahalin, tulungan at tanggapin ang anak ng ibang tao. Bagama’t, napakahirap gawin ang bagay na magmahal ng hindi kapamilya, lalo na’t anak ng iba, may ilang tao naman na kahit hindi nila kadugo, hindi nila pamilya at kaano-anu ay pinaparamdam pa rin nila ang pagmamahal at itinuturing na parang tunay na anak.




Kilalanin ang mga Celebrity Moms na tinanggap ng buong-buo at tinuring na kanila ang mga anak na hindi nila kadugo.

Priscilla Mereilles

Hindi naging matagumpay ang naging relasyon nina John Estrada at Janice De Belen bilang mag-asawa at nauwi sa hiwalayan. Ngunit, ang kanilang pagsasama naman ay nagbunga ng apat na anak, sina Ina, Moira, Yuan at Kyla. Muli namang umibig si John Estrada sa katauhan ni Priscilla Mereilles na hindi nag-atubiling minahal at tinanggap ang mga anak ni John sa dating asawa. “Their kids are well-educated and kind. We sometimes go out of town and have dinner,” saad ni Priscilla. Si Anechka naman ang naging bunga ng pagmamahalan nina John Estrada at Priscilla.

Heart Evangelista

Naging kontrobersyal naman ang relasyon nina Heart at Chiz dahil sa agwat ng kanilang edad, maliban dito mayroon ring dalawang anak sa unang asawa si Chiz kung saan ay tinutulan ng mga magulang ni Heart ang kanilang relasyon. Ngunit, hindi ito naging hadlang sa kanila upang patunayan ang pagmamahal sa isa’t-isa. Sa huli nga, ay tinanggap naman si Heart ng mga anak ni Chiz bilang kanilang step mother. Ipinakita naman ni Heart ang kanyang pagmamahal sa mga ito at tinuring na parang tunay na anak.




Charlene Gonzales

Maayos naman ang relasyon ni Charlene kay Luigi Muhlach, na anak ni Aga Muhlach kay Janice De Belen. Sa katunayan, malapit na malapit si Charlene sa mag-asawang Luigi at Patty. At noong ika-37th birthday niya sa The Buzz, nagbigay ng mensahe sa kanya si Luigi.
“Happy birthday. Thank you for always being here for me, for Patty, for Leandro. I just wish you the best.”

Ang masayang pagsasama naman nina Aga at Charlene ay biniyayaan ng kambal na anak, sina Andres at Atasha.

Assunta De Rossi

Maituturing namang napakapalad ni Assunta at napangasawa niya ang politikong si Jules Ledesma. Bagama’t, napangasawa niya ito bilang isang balo at may dalawang anak, itinuring naman niyang sariling anak ang mga ito at hindi niya pinabayaan. Ngunit, ang mag-asawa ay nalalapit na ring magkaroon ng sarili nilang anak dahil kamakailan lamang ng ibunyag ni Assunta na siya’y tatlong buwan nang nagdadalang-tao.

Mariel Rodriguez

Si Mariel naman ay agad naging ina sa apat na anak ni Robin Padilla sa dating asawa na si Liezel Sycangco. Hindi naman maikakaila ang magandang samahan nina Mariel at mga anak na sina Queenie, Kylie, Zhen-Zhen and Ali. Sa katunayan, naging tulay pa si Mariel upang magkaayos sina Kylie at Aljur sa pamilya ng Padilla. Ngayon nga, ay masaya ang pagsasama nina Robin at Mariel, lalo na’t may dalawa na silang anak, sina Isabella at Gabriela.




Korina Sanchez

Samantala, ang broadcast journalist namang si Korina Sanchez ay hindi nagdalawang-isip na pakasalan si Mar Roxas noong 2009 kahit pa may teenager na itong anak. Ginampanan naman ni Korina ang pagiging mabuting ina kay Paolo. Si Korina at Mar Roxas naman ay may kambal na anak, sina Pepe at Pilar.

Ai-Ai De Las Alas

Si Ai-Ai naman ang tumayong ina ni Jiro Manio. Hindi lamang sa pelikula natatanging Ina si Ai-Ai kundi maging sa tunay na buhay. Nakasama niya si Jiro sa pelikulang ‘Ang Tanging Ina’, ngunit hindi dito nagtapos ang pagiging ina niya kay Jiro. Sa mga panahong naliligaw ng landas si Jiro, nang makitang pagala-gala ito sa Ninoy Aquino International Airport, hindi man kadugo, ay agarang rumesponde si Ai-Ai upang tulungan ito. Maliban dito, si Ai-Ai rin ang nagpasok kay Jiro sa drug rehabilitation center.




Regine Velasquez

Nang mapangasawa naman ni Regine ang singer-song writer na si Ogie Alcasid, may dalawang anak na ito sa dating asawa na si Michelle Van Eimeren, sina Leila at Sarah. Sa kabila nito, maayos naman ang relasyon ni Regine kina Leila at Sarah. Sa katunayan, nang bumalik si Leila sa Pilipinas at pasokin ang mundo ng showbiz, sinuportahan at tinulungan pa ito ni Regine. Nang maharap naman si Leila sa mga pagsubok sa pagsisimula sa showbiz, ipinagtanggol din siya ng Song Bird sa mga basher. Samantala, maganda rin ang samahan at malapit ang dalawa sa anak ni Regine na si Nate.

error: Content is protected !!