Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Unica Hija Ni Dawn Zulueta Na Namana Ang Kanyang Angking Kagandahan

Ang aktres na si Dawn Zulueta ay isa sa mga hinahangaang artista sa industriya ng showbiz na kung saan nga ay taglay ang kahanga-hangang kagandahan. Sa kanyang edad na 52, ay tila nga hindi kumukupas ang kanyang taglay na kagandahan na kahit nga masisilayan ang ilan niyang kulay puting buhok ay lutang na lutang parin ang kanyang angking ganda.

Credits: Dawn Zulueta | IG

Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung ang unica hija ni Dawn sa kanyang asawang si Antonio Lagmadeo Jr, na si Ayisha Madlen ay namana ang kanyang angking kagandahan. Ngayon nga na 12 taong gulang na si Ayisha ay hindi maikakaila na unti-unti nang nasisilayan ang magandang mukha namana sa kanyang ina.

Dahil nga sa taglay na kagandahan ni Ayisha, ay talagang agaw pansin ang kanyang mga larawan sa social media. At kamakailan lamang nga, ay nag-viral ang litrato ni Ayisha kung saan nga ay nakatanggap ng mga komento na puno ng papuri at paghanga dahil sa kanyang natatanging kagandahan.

Credits: Dawn Zulueta | IG

Samantala, kahit naman abala si Dawn sa kanyang karera bilang isang mahusay na aktres ay hindi naman siya nagkukulang na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang responsable at hands-on mom sa kanyang dalawang anak. Sa isang panayam nga, ay ibinahagi ng aktres na ang pinakamagandang magagawa ng isang inang tulad niya ay ang mapalaki ng maayos ang kanyang mga anak.

“Bukod sa meron kang mga bagong nilalang na dinadala sa mundo. I think ang the best din as a mom for me is iyong makapag-raise ka ng mga bata that can become the best that they can be.”

Ayon pa nga sa batikang aktres, ngayon pa lang ay sinasanay na niya ang kanyang dalawang anak na sina Jacobo Antonio at Ayisha sa mga bagay na maaaring makatulong sa kanila at kanilang dadalhin para lumaking mabubuting tao.

“It’s habit-forming kasi that they’re going to bring with them when they grow up.”

Credits: Dawn Zulueta | IG

Naitanong rin kay Dawn, kung sa dalawa niyang anak ay may nagkakainteres na sumunod sa kanyang yapak na pumasok sa showbiz upang mag-artista. Sagot nga ng aktres, ay nakikita niya raw ang kanyang unica hija na si Ayisha na madalas nakamasid sa pag-aayos niya sa kanyang sarili.

“Parang nakikita ko iyong daughter, si Ayisha kasi siguro dahil palagi niya akong pinapanood na nag-memake up, nag-aayos ng buhok. Kasi you know I work diba? Parang nai-imbibe na ata niya, so we’ll see.”

Credits: Dawn Zulueta | IG

Sa kabilang banda, dahil nga bata pa ang kanyang mga anak, ay nais naman ni Dawn na makapagtapos muna ng pag-aaral ang mga ito bago tahakin ang landas na kanilang nanaisin.

“But I don’t encourage it yet dahil ang gusto ko kasing gawin ng mga anak namin ngayon ay iyong mag-aral muna talaga sila.”

“Later on naman pagka-nakagraduate na sila ng high-school, college, they can decide on their own.”

Credits: Dawn Zulueta | IG

Hindi naman maikakaila na isang proud momny si Dawn sa kanyang mga anak na pawang nakikitaan ng talento. At bilang isang magulang nga, anuman ang landas na tahakin ng kanyang mga anak, ay buong puso naman niyang ibibigay ang kanyang pagsuporta.

error: Content is protected !!