Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Taong Nagpapatibok At Nagpapasaya Ngayon Sa Puso Ng Aktres Na si Karla Estrada

Hindi nga maitago sa blooming na awra ngayon ng aktres at TV host na si Karla Estrada na may taong nagpapasaya na sa kanyang puso. Napakasarap naman talaga ng may minamahal, lalo na nga’t ang pagmamahal ay nasusuklian ng isang tunay na pag-ibig.

At tila nga, matapos ang mga kabiguan sa mga naunang pag-ibig ay muling natagpuan ni Karla ang hinahanap ng kanyang puso. Sa kabila ng pait at kabiguang naranasan na dulot ng masakit na kahapon sa kanyang mga naging karelasyon, ay hindi naman tuluyang isinara ni Karla ang kanyang puso para muling umibig. At ngayon nga, ay masayang-masaya si Karla sa piling ng kanyang boyfriend na si Jam Ignacio.

Kitang-kita naman kay Karla na sa bagong pag-ibig na dala ni Jam sa kanya, ay hindi nga matumbasan ang kaligayahang kanyang nadarama ngayon. At sa programang Magandang Buhay, ay hindi na nagdalawang isip pa si Karla na ipakilala sa publiko ang taong nagpapatibok at nagpapasaya sa kanyang puso.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon siya ng mga anak sa kanyang mga naging karelasyon, kabilang na nga rito ang aktor na si Daniel Padilla na anak niya kay Rommel Padilla. At tulad ni Karla, ay may anak rin si Jam sa kanyang nakarelasyon. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang para patunayan ang pag-ibig nila sa isa’t isa.

Si Jam ay 32 anyos na kung saan ay isang businessman at accountant. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Far Eastern University sa St. Joseph College sa Quezon City. Nakatira naman si Jam sa Makati.

Samantala, hindi naman matutumbasan ang pagmamahal ni Jam kay Karla, dahil ito nga ay isang tunay at wagas na pagmamahal. Minahal ni Jam si Karla, hindi dahil sa isa itong sikat na artista, kundi dahil tanggap niya ang buong katauhan ni Karla bilang isang normal na babae. Karapat-dapat namang mahalin si Karla ng isang tulad ni Jam, lalo na nga’t sa dami ng kanyang kabiguan ay panahon na para maranasan niya ang isang tunay at tapat na pagmamahal. At noong June 1, 2020 nga ay masaya nilang ipinagdiwang ang kanilang 1st anniversary.

Suportado naman ng mga anak ni Karla ang pasya nitong muling umibig. At sa pagsalubong ng taong 2021, ay makikkta nga sa mga larawang ibinahagi sa social media kung gaano kasaya ang kanilang pamilya habang nasa Boracay kasama ang boyfriend ni Karla na si Jam.

Hindi naman maikakaila na sa pagdating ni Jam sa buhay ni Karla, ay mas lalo namang ginanahan ang aktres sa pagwo-work out. At ang dahilan nga nito ay ang pagmomotivate ni Jam kay Karla. Kitang-kita naman na mas lalong gumanda ngayon si Karla dahil sa saya at kilig na hatid ni Jam sa kanyang puso.

Tunay nga na sa kabila ng kabiguan ng puso, ay darating ang tamang panahon at tamang tao na inilaan ng Diyos para makamit ang inaasam na kaligayahan.

error: Content is protected !!