Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Super Gorgeous and Fabulous na Bestfriend Ni Liza Soberano

Ang pagkakaroon ng isang matalik na kaibigan ay maituturing na isang biyaya mula sa Maykapal. Hindi madali ang makatagpo ng tunay at tapat na kaibigan, kung kaya’t ang pagkakaroon ng isang tunay at tapat na kaibigan ay dapat pahalagahan at ingatan. Ang matalik na kaibigan ay malalapitan anumang oras. Sila rin ang nagsisilbing sandigan kapag may problema at nais ng makakausap upang gumaan ang ating kalooban.




Higit sa lahat, sila ang taong pinagkakatiwalaan natin sa mga mahahalagang bagay sa ating buhay. Natural lamang sa isang tao ang magkaroon ng matalik na kaibigan, na maging ang mga kilala nating personalidad ay mayroon ring mga maituturing na matatalik na kaibigan.

Isa na nga rito si Hope Elizabeth Hanley Soberano o mas kilala bilang Liza Soberano sa industriya ng showbiz. Una siyang nakilala sa kanyang pagganap bilang Agnes sa teleseryeng Forevermore. Isa rin siya sa mga hinahangaang artista sa industriya dahil sa kanyang napakaamo at napakagandang mukha.

Ngunit, tiyak na hahangaan niyo rin ang matalik niyang kaibigan na kasing ganda rin niya at masasabing mala snow white ang taglay na ganda. Siya si Michelle Marie Reyes Vito na 21 taong gulang na isang Kapamilya actress at isa ring modelo.

Marami sa mga kalalakihan sa kanilang henerasyon ang nais maging kaibigan ang magagandang dilag na ito. Makikita naman sa kanilang mga social media accounts na tila parehong-pareho ang kanilang mga hilig at nais gawin sa buhay na talagang masasabi na tunay nga silang BFF.




Kahanga-hanga rin ang angking tangkad ni Michelle, dahil sa tangkad niyang 5’6, tiyak na maraming mga make up brands ang nais siyang kunin at gawing modelo upang mag-endorso ng mga produkto.

Samantala, huli naman siyang nasilayan sa telebisyon sa fantasy series na “Aryana” noong 2013 sa pagganap niya bilang kontrabida sa karakter ni Megan Mendez. Bagama’t karamihan sa mga proyektong kanyang ginawa ay kontrabida ang kanyang naging papel, hindi naman maitatanggi na isa siyang mabuting tao at bestfriend o matalik na kaibigan siya ng bagong Darna ng henerasyon na si Liza Soberano. Marami rin sa mga netizens ang nakasaksi kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.




Tunay nga na ang pagkakaroon ng isang matalik na kaibigan ay napakahalaga sa buhay natin. Kagaya ni Liza at Michelle na talagang ipinakita ang kanilang matibay na samahan bilang magkaibigan. Tunay rin na hindi kompleto ang buhay natin sa mundo kung walang kaibigang matatawag na nagbibigay sa atin ng kasiyahan.

error: Content is protected !!