Connect with us

Entertainment

“Isa sa mga pinaka biggest blessings sa buong buhay ko” Kilalanin si Nene ang Number 1 Defender Ni Sam Milby sa Loob ng 12-taon

Published

on

Marahil, marami ang nagtataka kung sino ang babaeng palaging kasama ng aktor na si Sam Milby sa mga larawan kung saan makikita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Ang ilan marahil ay iniisip na isa siya sa mga tagahanga ni Sam na hindi pinapalampas ang bawat pagkakataon na makasama ang aktor. Ngunit, para sa kaalaman ng lahat, ang babaeng ito ay may napakahalaga at napakalaking papel sa buhay ng aktor.




Siya si Nene Limosniro, na higit pa sa tagahanga ng aktor at nagsilbing biyaya sa buhay ng aktor dahil siya lang naman ang personal assistant ni Sam Milby sa loob ng mahigit 12 taon. At bilang personal assistant ng aktor, nararanasan niya ang ilan sa mga karangyaan sa buhay ng aktor gaya na lamang ng pagbabakasyon sa ibang bansa. Maliban dito, nakakasalamuha rin niya ang ilan sa mga artistang kaibigan ni Sam sa industriya kagaya nina Angel Locsin, Jericho Rosales at marami pang iba.

Ang kaginhawaan namang binibigay ni Sam kay Nene ay siya namang paraan ng aktor bilang papasalamat sa kabutihan at kasipagan sa trabaho ng kanyang personal assistant. Malaki ang naitulong ni Nene sa karera at buhay ng aktor. Sa katunayan, noong nagsisimula pa lamang si Sam sa kanyang karera at nahihirapan sa pagsasalita ng Tagalog, si Nene ang tumulong at nagturo sa kanya.

Maging sa buhay pag-ibig ni Sam, ay bahagi rin si Nene sa bawat desisyon ng aktor. Si Nene ay tapat rin sa pagbibigay ng opinyon patungkol sa mga babaeng napupusuan ng aktor, at nagtitiwala naman si Sam sa kanyang personal assistant dahil alam niya na ang tanging hangad lamang nito ay protektahan siya. Kaya naman, masaya siyang pakinggan ang anumang sasabihin ni Nene sa kanya pagdating sa buhay pag-ibig na tanging hangad ay kabutihan lamang niya.




Marahil ay nakuha na ni Sam ang opinyon ni Nene at tila pabor din ito kay Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang mahal na alaga. At noong May 23 nga sa kanyang mismong kaarawan, kinumpirma ng aktor ang totoong estado ng relasyon nila ni Catriona. Sa isang Instagram post, ibinahagi ng aktor ang larawan nilang dalawa habang magkayakap at nilakipan ng caption na:

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,”saad ng aktor.

Samantala, noong August 2018 sa kaarawan naman ni Nene, matatandaan na nagpahayag ng isang sweet na mensahe sa Instagram para sa kanyang personal assitant ang aktor.

“I got lucky from the start. My assistant for over 12 years na, I couldn’t ask for someone better. Napakahusay, maalaga, #1 defender.”

At nang makapanayam naman si Sam sa Magandang Buhay, ipinahayag naman niya kung gaano siya ka-blessed sa pagkakaroon ng personal assistant na gaya ni Nene.

“Isa sa mga pinaka biggest blessings sa buong buhay ko si Nene. You are someone na habang buhay ikaw ang family ko,” “I love you, Nene. You’ve been such a big blessing sa buhay ko talaga. Alam mo ‘yun,”.




Sa loob ng mahigit 12 na taong pagsasama nina Nene at Sam sa trabaho, makikita ang kanilang magandang samahan hindi lamang bilang magkatrabaho, kundi itinuturing rin nila ang bawat isa bilang pamilya.

error: Content is protected !!