Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napakagandang si Ondrea Bliss Sotto, Ang Unica Hija nina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa

Published

on

Isa sa hinahangaang celebrity couple sa mundo ng showbiz ang mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa. Ang pag-iibigan nga nilang dalawa ay nagsimula sa pagiging magkaibigan hanggang sa matagpuan nila ang isang tunay na pag-ibig sa katauhan ng bawat isa. At noong 2011 nga ay naganap ang kanilang pag-iisang dibdib na talaga namang ipinamalas ang hatid na pagmamahal ng bawat-isa. At ngayon nga ay masaya na silang nagsasama kasama ang kanilang apat na anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, at Valentine.




Ngunit, bago pa man isilang ni Kristine ang panganay at bioligical na anak nila ni Oyo na si Ondrea Bliss ay nagkaroon muna sila ng adopted child, ito nga si Kiel. Hindi naman nakaapekto sa kanilang pamilya ang pagkakaroon ng adopted child bagkus ay lalo pang minahal ng mag-asawa ang kanilang mga anak. At makikita naman sa kanilang pamilya ang isang masayang pamilya na punong-puno ng pagmamahal.

Samantala, ang biological child at nag-iisang babae sa pamilya nina Oyo na si Ondrea Bliss ay napakabuti at mapagmahal na anak. Dahil nga, nag-iisang babae sa pamilya ay labis itong mahal ng kanyang mga magulang. At ito nga ang nagsisilbing mini-me ni Kristine na sadyang napakaganda ring bata na nagmana sa ina.

Ipinanganak ni Kristine si Ondrea Bliss noong December 26, 2011, matapos ang 11 buwan ng pag-iisang dibdib ng mag-asawa. Espesyal ang kahulugan ng pangalang “Ondrea Bliss” na talagang pinag-isipang mabuti ni Kristine. Ito nga ay may kahulugang Ondrea ay “strong and courageous” at Bliss naman ay “unmeasurable joy.” At ngayon nga ay walong taong gulang na si Ondrea Bliss na talaga namang makikita na napalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang.

Sa murang edad nga ni Ondrea Bliss ay napakaresponsable at maalagang ate ito sa kanyang mga nakababatang kapatid. Palagi itong maaasahan ng kanyang ina sa pag-aalaga sa kanyang mga kapatid kung saan ang naging bonding nilang magkakapatid ay pagbabasa ng Bible.




Maging sa mga gawaing bahay ay maaasahan na rin si Ondrea Bliss, dahil sa murang edad nga ay napakamatulungin na nito sa kanyang ina pagdating sa gawaing bahay.

At isa rin sa magandang pag-uugali na itinuro ng mag-asawang Oyo at Kristine ay ang pagiging prayerful. Talaga namang napakabuting bata ni Ondrea Bliss.

Hindi rin naman maikakaila ang taglay nitong kagandahan na namana niya sa kanyang ina. Dahil nga nag-iisang babae, madalas makabonding ni Ondrea ang kanyang inang si Kristine. At ang masayang bonding nila ay madalas kunan ng larawan ni Kristine, katulad na lamang ng sila’y mag-Grab sa unang pagkakataon.

Labis naman ang pasasalamat ni Oyo dahil may mapagmahal siyang asawa na gaya ni Kristine at napakabuting anak na gaya ni Ondrea Bliss. Kaya naman, upang ipakita ang pagmamahal sa dalawang babae sa buhay niya ay binigyan niya ito ng mga bulaklak noong Valentine’s day.




error: Content is protected !!