Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napakagandang si Keira, Ang Anak ng Beteranong Aktor at Make Up Transformation Guru na si Paolo Ballesteros

Published

on

Marami nga ang humahanga sa aktor na si Paolo Ballesteros sa kanyang talento sa panggagaya ng mga kilalang personalidad mapa-lokal man o pang holliwood sa pamamagitan ng make up. Kahanga-hanga naman talaga ang talento niyang ito dahil kuhang-kuha niya ang anggulo ng ginagayang artista. Kaya naman, binansagan siyang Make Up Transformation Guro sa industriya ng showbiz.




Una namang nakilala si Paolo sa noon time show na Eat Bulaga sa GMA Network nang sumali siya sa contest hanggang sa nadiskubre nga ang talento niya sa pagbibigay saya sa mga manonood. At ngayon nga, ay patuloy siyang nagpapasaya sa mga manonood bilang host ng Eat Bulaga.

Samantala, matatandaan na may isiniwalat si Paolo kaugnay sa kanyang totoong pagkatao. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang sa pamumuhay at karera niya bagkus ay mas lalo pa niyang napatunayan ang kanyang sarili sa talentong taglay niya at bilang isang mabuting tao.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, sa kabila ng pagkatao niya, ay mayroon siyang nag-iisang anak sa dati niyang kasintahan. Ito nga si Keira Claire na sadyang napakaganda. Kasalukuyang nasa poder ng kanyang ina sa Chicago si Keira, ngunit anumang oras ay maaari niyang dalawin ang anak dahil na rin sa magandang relasyon nila ng ina nito. Bagama’t, nagkahiwalay ay nanatiling magkaibigan sina Paolo at ina ni Keira, kaya naman, hindi nagkukulang si Paolo sa mga pangangailangan at responsibilidad sa kanyang anak. At nagkakaroon pa sila ng bonding moments ng magkasama, kung kaya’t tila isang buong pamilya pa rin sila.

Samantala, ang tunay na pagkatao ni Paolo ay alam ni Keira at hindi ito nakaapekto sa kanilang relasyon bilang mag-ama. Bagkus ay mas lalo pa nitong pinagtibay ang samahan nilang mag-ama. Sa katunayan nga nito, ay gumawa si Paolo ng isang gown para kay Keira na siya mismo ang nagdisenyo at nagtahi. Kaya naman, proud na proud si Keira sa kanyang Daddy. At para nga kay Keira ay ito ang best daddy at best friend niya.




Pagdating naman pagdidisiplina sa anak ay istrikto si Paolo dahil ayon sa aktor ay wala namang ibang magdidisiplina rito kundi siya at responsibilidad niya ito bilang isang magulang.

Samantala, madalas namang magbahagi si Paolo ng mga larawan ng anak sa kanyang Instagram na talaga namang napakaganda. Mala-artistahin sa ganda si Keira kahit ito ay bata pa ay makikita na ang magandang katangian nito.

Proud na proud nga si Paolo bilang ama ni Keira at kitang-kita na talagang mahal na mahal niya ang anak. Kapansin-pansin rin ang magandang samahan nina Paolo at Keira bilang mag-ama na kung saan ay sobrang malapit ang mga ito sa isa’t isa kahit na wala ito sa poder niya ngayon.

error: Content is protected !!