Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napakagandang Pamangkin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na Itinuturing Niyang Lucky Charm

Talaga nga namang ang taglay na natural na kagandahan ng mga Pinay ay maipagmamalaki sa buong mundo. Patunay nga nito ang matagumpay nating pagkamit sa titulo ng Miss Universe ng ilang ulit.

At isa sa mga hinirang na Miss Universe na pinatunayan ang husay ng mga Pinay pagdating sa larangan ng beauty pageant sa buong mundo ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Ngunit, hindi naging madali ang pinagdaanan ni Pia, bago tuluyang mahirang na Miss Universe dahil tatlong beses siyang sumali sa Binibining Pilipinas.

Matagal na ngang pangarap ni Pia ang makapasok sa kompetisyon ng Miss Universe kung kaya’t hindi siya tumigil mangarap. At dahil nga sa kanyang pagtitiwala sa sarili, at ipinamalas na kakayahan sa naturang kompetisyon ay matagumpay nga niyang nasungkit ang titulo bilang Miss Universe noong 2015.




Ngunit, sa likod ng tinatamasa niyang tagumpay ngayon at pagkapanalo sa Miss Universe noong 2015, ay may nagsisilbi palang lucky charm si Pia. Sa kanyang Instagram nga, ay ibinunyag ng Miss Universe 2015 ang taong nagbigay sa kanya ng swerte.

At ang taong may malaking parte sa nakamit niyang tagumpay noon hanggang sa kasalukuyan ay ang kanyang napakagandang pamangkin na si Lara Wurtzbach-Manze. Isang lucky charm nga ang turing ni Pia sa kanyang pamangkin na talaga namang makikita ang malaking pagbabago sa buhay ng beauty queen magmula ng isilang ito.

“I really think Lara is my lucky charm in life ❤️ Kwento ko lang but back in 2014 when Sarah was pregnant with Lara, I flew to the UK over the Christmas period to wait for Sarah to give birth. Pero wala ? hintay ako ng hintay. Nag new year na, di parin sya lumalabas!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pia Wurtzbach (@piawurtzbach) on

At nang maisilang nga ang pamangkin niyang si Lara ay naging official candidate na siya ng Binibining Pilipinas, hanggang sa nagtuloy-tuloy na ang swerte sa buhay niya.

“I really wanted to wait and be there for when it happens but my sister said ‘Sige na, umuwi ka na. Malapit na mag screening sa Binibini’ so I left and flew back to Manila. The day I became an official candidate for 2015, Lara was born ? tapos nag sunod sunod na yung swerte ko for that year and moving forward. ❤️?”

Photo credits: Pia Wurtzbach | Instagram  

Ayon naman kay Pia, ay nagsisilbi ring stress reliever ang pamangkin niyang si Lara. Dahil nga sa tuwing naho-home sick at nahihirapan siya sa trabaho, ay nawawala ang kulungkutan at pagod niya kapag napapanood niya ang mga nakakaaliw na videos nito, na ibinabahagi naman sa kanya ng kanyang kapatid na si Sarah. Proud nga si Pia sa pamangkin niyang si Lara, na maliban sa pagiging mapagbigay at talentado rin.

Photo credits: Pia Wurtzbach | Instagram  

“She’s growing so fast at nakakatuwang makita na sobrang generous nya sa friends nya, lagi syang nag shashare kahit ng pagkain hehe ? at mahilig syang kumanta at sumayaw! (With feelings!) Kaya naman naisip ni Sarah na ishare itong sweet and fun moments sa inyo. I love watching these videos lalo na pag nahohome sick ako or nabuburn out sa trabaho.”




Photo credits: Pia Wurtzbach | Instagram  

Ngunit, maliban sa pagiging mag-tita ay para naring mag-ina ang relasyon ni Lara at Pia sa sobrang lapit nila sa isa’t isa. Dahil nga, pinakaiingatan at mahal na mahal ni Pia ang pamangkin, parang isa na ring tunay na anak ang turing niya rito. Hindi nga maitatanggi ang makikitang closeness sa kanilang mga bonding moments na talagang makikita rin ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

error: Content is protected !!