Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakaganda At Responsableng Anak Ni Paul Walker Na Ngayon Ay Dalagang-Dalaga Na

Published

on

Ang Hollywood movie series na Fast and Furious ay hinangaan at tinangkilik ng publiko hindi lamang sa ganda ng istorya ng pelikula kundi dahil na rin sa mahuhusay na pagganap ng mga artista. At isa sa mga artistang nagbigay ng kulay at buhay sa pelikula ay ang sikat na aktor na si Paul Walker. Marami ang humanga sa husay ni Paul sa kanyang pagganap sa pelikula ngunit sa kasamaang palad, binawian siya ng buhay matapos mabangga ang sinasakyan niyang sasakyan dahil sa sobrang bilis na umabot ng 100mph at nauwi ito sa pagkasunog.




At noong Nobyembre 30, 2013 nga, ipinagluksa ng lahat, lalo na ng kanyang pamilya ang pagkawala ni Paul na noon ay 40 taong gulang mula sa isang aksidente. Ayon naman sa The Guardian, natagpuan umano ang mga labi ni Paul kasama ang katawan ng kaibigan at financial adviser na si Roger Rodas sa loob ng sunog na Porsche Carrera GT sa Los Angeles.

At ngayon nga, ay halos 7 taon na ang nakakalipas matapos maganap ang nakakalungkot na pangyayari sa buhay at pamilya ni Paul. Ngunit, tila muling nabuhay ang masasayang ala-ala ni Paul dahil sa kanyang napakagandang anak na si Meadow na kung saan ay agaw-pansin ngayon sa social media platform na Instagram.

Natapos nga ang pitong taon at ngayon ay dalagang-dalaga na si Meadow sa edad na 21. Bukod sa lumaking napakagandang dalaga ang anak na ito ni Paul, ay napakaresponsable rin nito dahil siya ang namamahala sa The Paul Walker Foundation. Ang naturang foundation ay binuo para sa kanyang namayapang ama, at sinisuguro ni Meadow na nagagawa niya ang kanyang tungkulin kung saan ang tanging nais nila ay mabigyan ang lahat ng tulong na kanilang ipinagkakaloob.

Maliban naman sa nagawa ni Meadow ang kanyang tungkulin na pamahalaan ng maayos ang foundation, nagawa rin niyang makipag-ugnayan at makipag-team up sa Los Angeles Regional Food Bank upang mabigyan ng pagkain ang mga batang nagugutom sa panahon ng krisis ng COVID-19. Samantala, naging matagumpay naman ang kanilang collaboration project, sa katunayan ay nakalikom sila ng mahigit $6,500 na halaga upang ipamahagi sa mga nangangailangan.

Talaga nga namang taglay ni Meadow ang kabutihang-loob, dahil maging ang layo ng lugar na nais niyang tulungan ay hindi niya alintana, dahil naging volunteer pa siya sa ibang bansa para lamang maghatid ng tulong sa mga nangangailangan. Ayon naman kay Meadow, ginagawa niya ang lahat ng ito na ang tanging iniisip ay ang kanyang ama at ang pamanang iniwan nito sa kanila.




Samantala, makikita naman sa kanyang Instagram na hindi lamang kabutihang-loob ang maipagmamalaki ni Meadow kundi maipagmamalaki rin ang kanyang maganda at maamong mukha na ngayon nga ay ganap nang isang dalaga.

Makikita naman sa kanyang post ang mga komento ng mga netizens na kung saan ay labis ang paghanga sa dalaga na bagama’t lumaki ng wala ang amang gumagabay sa tabi niya ay naging responsable at lumaking napakabuting tao naman si Meadow. Hindi maitatanggi na nagmana siya sa kanyang namayapang ama. At ayon pa sa mga netizens, sa tuwing pagmamasdan nila si Meadow ay naaalala nila si Paul sa katauhan ng dalaga.

error: Content is protected !!