Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napakaganda at Matalinong Anak na Dalaga ni Karla Estrada na Si Margaret “Magui” Ford Planas

Pagdating sa pagkaakroon ng mga gwapo at magandang anak, ay hindi nagpapahui riyan ang aktres at Magandang Buhay host na si Momshie Karla Estrada. Isa sa patunay nito ay dahil tunay namang napakagwapo at isa sa pinapantasyang aktor ngayon sa mundo ng showbiz ang kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla, na tinagurian pa ngang Teen King ng industriya ng showbiz.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Hindi lamang naman si Daniel ang anak ni Karla na tunay na may kahanga-hangang katangiang pisikal, dahil maging ang anak niyang dalaga na si Magui Ford Planas ay may taglay din na artistahing ganda at katalinuhan na maipagmamalaki ng kahit sinong magulang.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Matatandaan na una ng pinag-usapan si Magui sa social media noong ito ay magdiwang ng kanyang ika-18 taong gulang na kaarawan, kung saan ay naging star studded naman talaga ito. Naging agaw pansin kasi sa lahat ang natural na kagandahan ng dalaga, at kung nanaisin nga nito na pasukin ang mundo ng showbiz marahil ay magiging kasing sikat niya din ang kanyang Kuya na si Daniel.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Ipinanganak noong ika-28 ng Pebrero taong 2002 si Margaret ‘Magui’ Ford Planas. Ang kanyang ama ay ang dating asawa ni Karla Estrada na si Mike Planas.
Samantala kung bibisitahin ang social media account ni Magui ay masisilayan dito ang kanyang mga nagagandahang larawan. Dahil nga sa kahanga-hanga niyang ganda, ay hindi na kataka-taka na ang kanyang mga followers sa social media ay umabot na sa mahigit 1-milyon.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Si Magui rin ang isa sa mga anak ni Karla na talaga namang ‘beauty and brain’, ito ay dahil maliban sa kanyang kahanga-hangang kagandahan ay maipagmamalaki rin niya ang kanyang katalinuhan. Isang proud mom naman talaga sa kanya ang ina niyang si Karla, lalo pa’t noong nakaraang taon ay nagtapos si Magui ng kanyang Senior High School kung saan ay matataas nga ang kanyangmga grado.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Dahil sa katalinuhan ni Magui ay natanggap siya sa isang prestihiyosong Unibersidad sa bansang Australia, ito nga ay sa University of Melbourne, at doon nga nakatakdang mag-aral ng kanyang kolehiyo ang dalaga.

Photo Credits: Margaret Ford Planas| IG

Marahil ay talagang proud na proud bilang isang magulang si Karla sa anak niyang si Magui, dahil hindi lamang nga ito maganda, kundi matalino pa. At panigurado na anuman ang kursong kukunin ni Magui sa kanyang kolehiyo sa nasabing pretihiyosong Unibersidad na kanyang papasukan ay aasahan na nga natin na magiging matagumpay siya dahil sa kanyang taglay na katalinuhan.

error: Content is protected !!