Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Napakacute Na Si Baby Eliam, Anak Ng Mag-asawang Sina Joyce Pring at Juancho Triviño

Ang ating mga anak na siyang nagbibigay saya at kulay sa ating pamilya, ay isa ngang napakagandang biyaya na ipinagkaloob mula sa Diyos. At dahil sa isang biyayang sanggol ay may pamilya na matatawag, sila lang naman ang kumumpleto sa binuong pamilya ng dalawang pusong nagmamahalan.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Napakaespesyal naman talaga ng pagdating ng mga anak sa ating buhay. Dahil nga sa kanila ay nagagawang mabago ang ating buhay. Bilang mga magulang naman, ang hangad natin para sa ating mga anak ay ang mga bagay na makakabuti sa kanila, kung kaya’t lahat ay ginagawa natin para sa kanilang kapakanan.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Katulad na lamang nga ng mag-asawang Joyce Pring at Juancho Triviño, na talagang pinagtutuunan ng pansin ang kanilang napakacute na anak na si Alonso Eliam. Sa pagdating ni Baby Eliam sa kanilang buhay, ay talaga namang walang pagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Ngayon nga na kompleto na ang pinangarap nilang pamilya ay talaga namang nangingibabaw ang pagmamahal sa kanilang pamilya. Isang pamilya na puno ng saya at kulay dahil sa pagdating ni Baby Eliam. Kung dati’y tanging mga sarili lamang nina Joyce at Juanco ang kanilang iniisip, ngayon nga, lahat ng kanilang atensyon at ginagawa ay inilalaan ng mag-asawa para sa kinabukasan ng kanilang pamilya at kanilang anak na si Baby Eliam.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Matatandaan na noong Agosto 13, 2019 ay inalok ni Juancho ng kasal ang TV host na si Joyce. Hindi naman nagtagal ay tuluyan nang nauwi ang kanilang pag-iibigan sa pag-iisang dibdib na naganap noong Pebrero 9, 2020 sa Sofitel Philippine Plaza Manila. Ang kanilang espesyal na araw sa pagsisimula ng kanilang pamilya ay dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. At nito lamang ika-9 ng Pebrero, ay ipinagdiwang na nila ang kanilanf 2nd wedding anniversary.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Agad namang biniyayaan ang kanilang pagsasama ng isang napakacute na supling na si Baby Eliam na isinilang ni Joyce noong Hulyo 2, 2021. Wala ngang pagsidlan ng tuwa ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang munting anghel. Sadyang nakakaaliw naman talaga ang napakacute na batang si Baby Eliam. Kapansin-pansin naman na ang maamo at gwapo nitong mukha, ay namana niya sa kanyang mga magulang.

Photo Credits: Joyce Pring| IG

Makikita naman sa mga larawang ibinahagi ng mag-asawang Juancho at Joyce sa kanilang social media account, ang masayang bonding ng kanilang pamilya. Kapansin-pansin rin ang dami ng larawan ni Baby Eliam, na talaga namang taglay ang nakakagigil na kacutan. Patunay lamang nga ito, na ang kanilang buong atensyon at pagmamahal ay nakatuon lamang sa kanilang anak na si Baby Eliam.

error: Content is protected !!