Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napaka-Gwapo at Bagong Tinitilaan sa Social Media na si Draco, Anak ng Beteranong Akor na si Ian Veneracion.

Ang mahusay at napaka-gwapong Filipino-Spanish aktor na si Stephen Ian Lopez Veneracion o mas kilala bilang si Ian Veneracion ay dating napapanood sa GMA Network bago pa man siya nalipat sa management ng ABS-CBN.

Credits : Image from Google

Sa kaniyang pagiging charming at good-looking dad, isa siya sa mga kinakikiligan na Kapamilya aktor. Sa kaniyang edad na 42, nanatili pa rin ang kaniyang kagwapuhan. Na siya namang namana ng kaniyang anak si Tristan Draco. Si Draco ay ang panganak na anak ni Ian sa kaniyang asawa na si Pam Gallardo.

Credits : Ian Veneracion | Instagram

Sa mga IG post ni Draco, makikita na namana niya sa kaniyang ama ang kagwapuhan at napaka-charming na mukha nito. Mapapansin na look-a-like siya ng kaniyang ama at pareho silang sportsminded. Ang mga larawan ni Draco sa kaniyang mga social media account ay tinitilian ng maraming kababaihan. Hindi makakaila ang kagwapuhan nito kagaya na kaniyang ama na kahit saang anggulo ay talagang napaka-gwapo.

Credits : Ian Veneracion | Instagram

Si Draco ang panganak sa 3 mga anak ni Ian, siya ay 18 taong gulang pa lamang. Ang sinundan niya na kapatid na babae na si Deidre ay 15 taong gulang at ang kanilang bunso na si Buccio na 9 na taong gulang. Kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo si Draco sa De La Salle University at kumukuha ng kursong Bachelor‘s Degree in Legal Management. Ang pangalan ni Draco ay kinuha ni Ian sa isang polar constellation at sa isang fantasy movie na Dragonheart (1996).

Credits : Ian Veneracion | Instagram

Pagbabahagi pa ng aktor, “Ang pangalan ng dragon dun Draco, which is named after the constellation, meaning dragon. Kaya yun”. Samantala ayon naman sa kaniyang ina na si Pam, mayroon pa sanang ibang pangalan ang kanilang anak si Draco na mula naman sa isang hollywood movie na Legends of the Fall (1994).

Ang anak ng aktor ay mahilig din sa mga outdoor sports kagaya na lamang ng motorbiking na siya ring kinahihiligan ng kaniyang ama. Ito rin ang nagiging bonding ng mag-ama, at nakakapag motorbiking sila sa Sagada ng Mountain Province.

Nagbahagi rin ang aktor ng isang larawan na may caption na, “After a night in Sagada, I discovered the most beautiful road I’ve ever seen while following dirt-roads that aren’t on the maps. (Not even in google maps!) Me and my boy Draco enjoying our bikes”

Credits : Ian Veneracion | Instagram

Namana rin Draco at ng kaniyang mga kapatid ang hobbies na gustong-gusto ng kaniyan ama, katulad na lamang hiking, sailing at snowboarding. Sa kabila ng kasikatan ngayon ng aktor, gumagawa naman ng sariling pangalan ang kaniyang anak upang mas makilala pa sa kaniyang taglay na talento.

error: Content is protected !!