Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Napaka Cute na si Baby Foire, Ang Hinintay ni Assunta De Rossi sa Loob ng 16 Taon na ngayon ay mas Nagbibigay Kulay sa Pamilya nila ni Jules Ledesma

Tunay nga na kapag naniwala at nagtiwala sa Itaas ay hindi imposibleng magkaroon ng milagro sa ating buhay. Isang bagay na hindi inaasahang magaganap pa, kahit matagal nang hinihintay.

Hindi nga halos makapaniwala ang mag-asawang Assunta De Rossi at Jules Ledesma na pagkakalooban pa ng Diyos ng isang sanggol ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa sa loob ng 16 na taon.

Photo credits: assuntaledesma | IG

Photo credits: assuntaledesma | IG

Matapos nga maisilang ni Assunta ang panganay na anak nila na si Giulia Fiorentina ‘Fiore’ Alessandra noong nakaraang taon buwan ng Oktubre, ay maituturing nga itong isang malaking milagro. Kaya naman, si Baby Foire ay inituring ng mag-asawa na miracle baby na bumuo at nagbigay kulay sa kanilang pamilya.

Photo credits: assuntaledesma | IG

Sa edad na 37, ay isinilang ni Assunta si Baby Fiore. Ngunit, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan bago makamit ang minimithing sanggol na hinintay ng 16 na taon. Si Assunta ay nakaranas ng hirap sa pagbubuntis dahil sa myoma at endometriosis. Ang myoma ay isang bukol na namaumuo sa loob ng matris kapag ang isang babae ay nasa edad na. Sa kabilang banda, ay pwede pa siyang magbuntis at manganak. Hindi rin dapat ikabahala ito, dahil hindi naman ito nauuwi sa kanser.

Photo credits: assuntaledesma | IG

Photo credits: assuntaledesma | IG

Sa naranasang hirap, ay halos subukan na raw ng mag-asawang Assunta at Jules ang iba’t ibang paraan para lamang magkaanak. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami, ang malaking agwat sa edad nina Jules at Assunta, at noong una raw ay ito ang naiisip na dahilan ng aktres kung bakit hindi sila makabuo.

Photo credits: assuntaledesma | IG

At ngayon nga, na kapiling na nila si Baby Foire para magbigay saya at kulay sa kanilang pamilya, ay hindi matatawaran ang kaligayahan at pasasalamat ng mag-asawa. Dahil nga isang miracle baby si Fiore, ay espesyal rin ang ibinigay na pangalan ng mag-asawa sa kanilang panganay na anak. Ang kanilang napakacute na baby girl ay pinangalanang nilang Giulia Fiorentina Alessandra kung saan ay ipinaliwanag ni Assunta ang kahulugan.

“GIULIA- Just like how you pronounce Julia (sorry, no letter J in the Italian alphabet.) as a tribute to her paternal great-grandfather, Don Julio.”

“FIORENTINA- as a tribute to her paternal great-grandmother, Doña Florentina aka lola Puring (lola’s name is the Spanish version).”

Photo credits: assuntaledesma | IG

“ALESSANDRA- as a tribute to my sister and our lola Alejandra aka Inang. Plus, I like its meaning, defender/protector. So there you have it! I hope she knows how much we wanted her. ”

Samantala, hindi lamang ang mag-asawang sina Assunta at Jules ang tuwang-tuwang sa pagdating ni Baby Fiore kundi pati na rin ang kapatid ni Assunta na si Alessandra de Rossi. Hindi rin maipaliwanag ni Alex ang saya sa pagdating ng kanyang pamangkin. Sa katunayan nga nito ay makikita sa social media ng aktres ang cute and adorable photos ni Baby Fiore, maging ang kanilang masayang bonding kung saan ay madalas alagaan ni Alex ang kanyang pamangkin.

Photo credits: assuntaledesma | IG

Ang mag-asawang Assunta at Jules ay dalawang beses ikinasal. Una ay noong 2002 sa hometown ni Jules sa San Carlos City at nasundan naman ito ng kasal noong 2004 naganap naman sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

error: Content is protected !!