Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang Naggagandahan at Naggagwapuhang mga Anak ng Aktor na si Jestoni Alarcon

Sa mundo ng showbiz, hinahangaan ng mga fans hindi lamang ang kani-kanilang mga idolo kundi pati na rin ang kanilang mga anak. Ito ay dahil kadalasan, nakukuha ng mga anak na ito ang talento at kagandahan ng kanilang mga magulang. Sa katunayan, ang ilan sa kanila ay pinili na ring pumasok sa industriya ng showbiz habang ang iba naman ay pumili ng ibang propesyon. Bagamat hindi nila pinili ang pagiging artista, marami pa rin ang humahanga sa kanila.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Isa sa mga hinahangaan ngayon ay ang mga anak ng kilalang aktor na si Jestoni Alarcon. Si Jestoni Alarcon ay isang aktor na unang nakilala noong 80s at 90s. Kinilala rin siya sa kaniyang mga pagganap iba’t ibang teleserye at pelikula gaya ng Magkano ang Iyong Dangal? (1988), Makapiling Kang Muli (2012), at Encantadia (2016). Bukod sa pag-aartista, pinasok na rin ni Jestoni ang mundo ng pulitika nang tumakbo siya bilang konsehal ng Antipolo City.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Naging vice governor din siya ng Rizal. Ngayon, isa nang board member si Jestoni sa Rizal. Isa na rin siyang ama ng kaniyang tatlong anak sa kaniyang asawa na si Lizette Capili, isang dating modelo at beauty queen. 26 na taon na rin silang nagsasama.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Bukod nga kay Jestoni ay unti-unti na ring nakikilala ang kaniyang tatlong anak dahil sa kanilang kagandahan at kagwapuhang nakuha nila sa kanilang mga magulang. Isa sa kaniyang tatlong anak ay si Jessica na ngayon ay nagtatrabaho sa larangan ng medisina.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Si Angela naman ay isang estudyante sa UP Diliman. Isa rin siyang atleta sa unibersidad na ito at kabilang sa kanilang taekwondo team. Mapapansin na nakuha ng dalawang anak na ito ang pinagsamang kagandahan at kagwapuhan ni Jestoni at Lizette. Ngunit mas kapansin-pansin ang pagkakahawig ni Jestoni at ng kaniyang unico ijo na si Anthony.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Ipinagmamalaki rin na ibinabahagi ni Jestoni sa social media ang kaniyang napakagandang pamilya lalo na ang kanilang bonding moments. Samantala, pinapanatili pa rin ng kaniyang mga anak na pribado ang kanilang sariling buhay.

CREDITS: Lizzette Alarcon| IG

Bagamat pribado ang tatlo sa social media, mapapansin pa rin ang pagdami ng kanilang mga followers, indikasyon na dumarami na rin ang nakakapansin sa kani-kanilang kagandahan at kagwapuhan.
Bagamat hindi pa inilalabas ng mga anak ni Jestoni ang kanilang kagustuhang pumasok sa showbiz, patuloy pa rin ang paghanga sa kanila ng mga tao.

error: Content is protected !!