Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Tumatayong Ninang At Ninong Ng Mga Celebrity Babies Na Ito

Hindi nga madali ang pagpili ng mga magiging ninong at ninang ng ating mga anak na magsisilbi nilang pangalawang magulang. Sa pagpili ng mga magiging ninang at ninong ay kailangan ngang pag-isipang mabuti dahil sila ang katulong ng mga magulang sa paggabay sa pagpapalaki magmula pagkabata hanggang sa sila’y lumaki.

Kaya naman, ang mga sikat na celebrities ay kadalasang mga malalapit na kaibigan rin sa showbiz ang kanilang kinukuhang pangalawang magulang para sa kanilang anak. Kilalanin ang mga tumatayong ninang at ninong ng mga celebrity babies na ito.

Kathryn Bernardo – Ninang of Zoe Miranda

Photo credits: google.com

Ang mga aktres na sina Kathryn Bernardo at Sofia Andres ay talaga namang malapit na magkaibigan. Sa katunayan nga nito, ay si Kathryn ang unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis ni Sofia noong 2019. Kaya naman, hindi nawala si Kathryn sa binyag ng anak ni Sofia na si Zoe para tumayong ninang noong June 2020. Tumayo ring ninang ni Zoe ang aktres na si Bianca King.

Liza Soberano – Ninang of Jude Paterson

Photo credits: google.com

Ang aktres naman na si Liza Soberano ay talaga namang naglaan ng isang baby shower para sa kanyang kaibigang si Janella Salvador bago ito umalis patungong United Kingdom noong 2020. At makikita nga sa video ng pagkikita nila ng anak ni Janella na si Baby Jude, na iprinisenta ni Liza ang kanyang sarili bilang ninang kahit nga hindi pa nabibinyagan ang napakacute na bata.

Inigo Pascual – Ninong of Jude Paterson

Photo credits: google.com

Isa rin sa mga tumatayong pangalawang magulang ni Baby Jude ay si Inigo Pascual. Malapit na kaibigan ni Inigo ang ama ni Baby Jude na si Markus Paterson.

Erich Gonzales – Ninang of Jude Paterson

Photo credits: google.com

Ninang rin ni Baby Jude ang magandang aktres na si Erich Gonzales. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na malapit na kaibigan nina Janella at Markus si Erich sa showbiz.

Angel Locsin – Ninang of Alonzo Ahmee

Photo credits: google.com

Si Angel Locsin naman ay ninang ng anak nina Dimples Romana at Boyet Ahmee na si Alonzo Ahmee. At bilang best friend nga ni Dimples ay talagang maaasahang ninang si Angel kung saan nga ay handang umalalay at bantayan ang mga anak ng kanyang kaibigan.

Bea Alonzo – Ninang of Callie Ahmee

Photo credits: google.com

Ang ninang naman ng panganay na anak nina Dimples at Boyet na si Callie Ahmee. At noong 2019 nga ay ibinunyag ni Dimples na inaanak ni Bea ang kanyang panganay na anak na si Callie.

Ellen Adarna – Ninang of Olivia Crisologo

Photo credits: google.com

Ang matalik na magkaibigan na sina Ellen Adarna at Beauty Gonzales ay laging magkasangga. Minsan na ngang tinawag ni Beauty na best ninang ang kanyang kaibigan. Si Ellen ay tumatayong ninang kasi ng anak ni Beauty na si Olivia Crisologo.

Roxanne Barcelo – Ninang of Zia Dantes

Photo credits: google.com

Sa mga hindi nakakaalam ay halos dalawang dekada nang magkaibigan ang aktres na sina Marian Rivera at Roxanne Barcelo. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung kuning ninang Marian ang kanyang matalik na kaibigan para sa kanyang anak na si Zia.

Dingdong Dantes – Ninong of Kai Gutierrez

Ang bunsong anak naman ng mag-asawang sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Kai ay inaanak ng aktor na si Dingdong Dantes.

error: Content is protected !!