Connect with us

Entertainment

Kilalanin Ang Mga Sikat Na Personalidad Sa Showbiz Na Nagmamay-ari Ng Yateng Nagkakahalaga Ng Milyones

Sa taglay nga na yaman ng mga kilalang personalidad sa showbiz, ay tila ba hindi sapat sa kanila ang magarang sasakyan o kaya naman ay motorsiklo dahil ang ilan nga sa kanila ay tinitiyak rin na magkaroon ng sariling yate na milyones ang halaga. Malaking bagay rin ang pagkakaroon ng yate dahil maaari itong gamitin sa islang hopping tuwing bakasyon o kaya naman ay maging venue ng mga party.

Kilalanin ang mga sikat na personalidad sa showbiz na nagmamay-ari ng yateng nagkakahalaga ng milyon-milyon.

SARANGANI’S PRIDE

Kilala na ang Pambansang Kamao at politikong si Manny Pacquiao bilang isa sa pinakamayamang personalidad sa bansa. Kaya naman hindi na nga nakapagtataka kung nakabili siya ng isang yateng nagkakahalaga ng P25 million noong 2011 at ito nga ay bilang Christmas gift niya sa kanyang pamilya.

Photo credits: Google.com

Sa isang panayam sa ABS-CBN News ay sinabi ni Manny na matapos nga ang kanyang matagumpay na laban kay Manuel Marquez ay nagpasya siyang bumili ng yate bilang regalo sa kanyang pamilya.

“Regalo ko sa pamilya ko at sa mga kids ko, wife ko after ng fight,”ayon kay Manny.

Pag-amin naman ni Jinkee, ay matagal nang pangarap ng kanilang pamilya ang magkaroon ng sariling yate.

“Andaming blessing na dumating ‘tsaka yung yate, iniisip lang namin dati na kelan kaya kami magkakaroon ng ganyan? ‘Tapos ngayon, eto na.”

Ang nasabing vessel na pagmamay-ari ng pamilya Pacquiao ay itinuturing ngang “Ferrari” of yachts. At ayon pa nga sa ulat, sa laki nito ay kaya nitong magdala ng tatlong jet ski.

WOW CRUISER

Ang Wowowin host naman na si Willie Revillame ay nakabili rin ng kanyang sariling yate. Si Kuya Wil nga ay nagmamay-ari ng dalawang yate na nakadaong sa Subic Yacht Club. Ang kanyang unang yate ay isang M/V Wow Cruiser I, 94-footer yacht na kanyang nabili noong 2008 habang siya’y host ng programang Wowowee. Ayon naman sa ulat ng GMA News, ang nasabing yate ni Kuya Wil, ay nagkakahalaga ng P80 million. Ang isa naman niyang yate na mas maliit sa nauna niyang yate ay tinawag namang M/V Wow Cruiser II.

Photo credits: Google.com

DOMINIQUE

Ang aktres na si Gretchen Barretto at partner nitong si Tonyboy Cojuangco ay nagmamay-ari rin ng yate. At ang pangalan naman nito ay hango sa anak nilang si Dominique. Tinawag rin ito ng 47 taong gulang na aktres na The Bapor o ang ibig sabihin nga ay bangka. Madalas namang makita sa Instagram ni Gretchen ang larawan ng maganda nilang yate.

Photo credits: Google.com

THE ESCALERA AND M/Y HAPPY LIFE

Ang dating Governor ng Ilocos at kasalukuyang Chairman ng LCS Group of Companies na si Chavit Singson ay nagmamay-ari ng dalawang mamahaling yate. Ang isa nga ay tinatawag niyang The Escalera na may nakakalulang presyo na P180 Million nang kanyang mabili. Ang isa naman ay naitampok noong 2017 sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho. Ito ang M/Y Happy Life na nabili naman niya ng P600 million. At ito nga ay may five floors, 16 bedrooms, at six jacuzzis.

Photo credits: Google.com

Ang M/Y Happy Life ay nakadaong sa Manila Yacht Club, at matatandaan nga na minsan na ring ginamit ng mga kandidata ng Miss Universe 2016 sa kanilang pre-pageants events mula Manila hanggang Batangas.

Photo credits: Google.com

error: Content is protected !!