Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Personalidad Sa Showbiz na Binalikan ang Pag-aaral sa Gitna ng Namamayagpag Nilang Karera

Napakahalaga naman talaga para sa isang tao ang makapagtapos ng pag-aaral dahil ito nga ay masasabi na pangarap ng marami. Ngunit, may mga bagay at pagkakataon na dapat isaalang-alang upang makamit ang pangarap na ito. Katulad na lamang ng kawalan ng pera, at mahirap na pamumuhay. Kaya naman sa halip na mag-aral, ay mas prayoridad ng ilan ang maghanap buhay o maghanap ng mapagkakakitaan para makatulong sa pamilya.

At ilan rito ang mga sikat na artista na pinasok ang mundo ng showbiz hindi lamang para ipamalas ang talento kundi pati na rin mabago ang buhay. Ngunit, kahit matagumpay na ang kanilang karera, ay hindi naman nila binitawan ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Kilalanin ang mga sikat na personalidad sa showbiz na binalikan ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang matagumpay na karera.

1. Benjamin Alves

Photo credits: Instagram

Ang “Owe My Love” star na si Benjamin Alvez, ay nagsimulang mag-aral ng kolehiyo sa edad na 21 taong gulang. Hindi naman hadlang kay Benjamin kung mas bata siyang kaklase dahil talagang pangarap niya ang makapagtapos. Ang kasipagan at pagpupuyat nga ng aktor sa pag-aaral bilang isang working student ay nagbunga kung saan ay nagtapos siya bilang summa cum laude sa English Literature sa University of Guam.

2. Kevin Santos

Photo credits: Instagram

Ang aktor at komedyante na si Kevin Santos, ay hindi nakontento bilang isang lisensyadong piloto dahil ipinagpatuloy rin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Si Kevin ay nagtapos Arellano University, sa kursong Bachelor Degree in Political Science bilang cum laude.

3. Dingdong Dantes

Photo credits: Instagram

33 taong gulang ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Si Dingdong ay nagtapos sa kolehiyo noong 2014 sa Dingdong Dantes West Negros University sa degree na Business Management, major in Marketing Management.

4. Ruffa Gutierrez

Photo credits: Instagram

Nagpasya namang ipagpatuloy ng aktres na si Ruffa Gutierez ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo matapos ang 34 taong pamamayagpag ng karera sa showbiz. Si Ruffa ay nag-enroll sa Philippine Women’s University at kumuha ng kursong Bachelor of Arts, Major in Communication Arts.

5. Valerie Concepcion

Photo credits: Instagram

Taong 2018 naman nagtapos sa Arellano University ng may Bachelor’s Degree in Psychology ang aktres na si Valerie Concepcion. Nahinto sa pag-aaral ang aktres at TV host para maalagaan ng mabuti ang kanyang anak at magpokus muna sa kanyang karera sa showbiz.

6. Sunshine Cruz

Photo credits: Instagram

Kahit nga may tatlong dalagang anak na ang aktres na si Sunshine Cruz, ay hindi ito naging hadlang para matupad ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. At noong 2018, sa edad na 40, ay nakapagtapos si Sunshine sa Arellano University ng Bachelor’s Degree in Psychology.

7. Rocco Nacino

Photo credits: Instagram

Ang aktor na si Rocco Nacino, ay talagang nagsumikap na makapagtapos ng pag-aaral. Sa kabila ng busy schedule sa kanyang karera sa showbiz at pagiging abala sa kanyang mga negosyo, ay naisingit parin ng aktor ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. At noong 2017, ay nagtapos siya bilang cum laude at nakamit rin ang Master’s Degree in Nursing sa St. Bernadette of Lourdes College sa Quezon City.

8. Manny Pacquiao

Photo credits: Instagram

Napakahalaga ng edukasyon para sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Noon ay wala silang kakayahang makapag-aral dahil sa hirap ng buhay, ngunit nang maging matagumpay sa larangan ng boxing ay hindi niya pinalampas ang pagkakataong balikan ang pag-aaral. Kaya naman, noong 2019 sa edad na 40, ay nakapagtapos siya ng Bachelor’s Degree in Political Science Major in Local Government Administration sa University of Makati.

error: Content is protected !!