Connect with us

Entertainment

Mga Sikat na Aartista na Mayroon Ding Pag-aari na mga Negosyo

Batid natin na sa mundong ating ginagalawan ay walang permanenting bagay, lahat ay puwedeng celebrimawala o maglaho sa isang iglap lamang. Kagaya na nga lamang ng mga nining ng mga butuin sa langit man ito o karera ng isang sikat na personalidad sa showbiz.

Kaya naman ilan sa mga sikat na personalidad ang natutunan na dapat maaga pa lamang o habang nararanasan pa nila ang kasikatan ay kinakailangan na nilang magpundar ng mga ari-arian na maari nilang pagkakitaan dumating man ang araw na ang kinang nila bilang isang artista ay mawala na.

Kilalanin nga natin sa gallery na ito ang mga artista na maliban sa pag-aartista ay abala na rin sa pamamalakad ng naipundar nilang negosyo.

1. Magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Isa sa mga naipundar ng negosyo ng sikat na celebrity couple na sina Daniel at Kathryn ay ang Barbero Blues, isang barbershop na matatagpuan sa SM Fairview at North Edsa.

2. Makapatid na Toni at Alex Gonzaga

Magkasosyo naman sa isang milk tea stand business ang magkapatid na sina Toni at Azlex Gonzaga, at ito nga ay ang ‘Happy Cup’ na karaniwang matatagpuan sa mga malls.

3. Kathryn Bernardo

Ang Kathnails salon naman ay isa sa mga negosyo na naipundar ng aktres na si Kathryn Bernardo, kung saan ang pangalan nga nito ay hango sa mismong pangalan ng aktres. Ito ay mayroon ng limang branches sa Pilipinas.

4. Liza Soberano

Proud owner naman ng Hope Wellness Center ang Kapamilya actress na si Liza Soberano. Ang negosyo niyang ito ay isang wellness spa na matatagpuan sa Quezon City at Muntinlupa.

5. Georgina Wilson

Ang actress at model na si Georgina Wilson ang may-ari ng Sunnie’s studio, isang popular na tindahan ng mga nag-gagandahang shades na karaniwan ngang matatagpuan sa mga malls.

6. Magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

Ang magkasintahang Dennis at Jennylyn ay mag-partner sa negosyo nilang “Litterbucks” na matatagpuan sa Diliman, Quezon City.

7. Alden Richard

Si Pambang Bae Alden Richard ang may-ari ng isang Filipino restaurant, na tinawag nga niyang Concha’s Garden Café na may branches na Cavite, Tagaytay at Quezon City.

8. Maine Mendoza

Nagmamay-ari na ng limang mga branches ng Mcdonalds si Maine Mendoza.

9. Marvin Agustin

Ang aktor na si Marvin Agustin lang naman ang nagmama-ari ng dalawang malalaking Japanese restaurant sa Pilipinas. At ito nga ay ang Sumosam at John & Yoko.

10. Sharon Cuneta

Si Mega Star Sharon Cuneta ang owner ng isa sa sikat na restaurant sa Pilipinas, ang Mesa.

11. Vice Ganda

Ang TV host-comedian actor na si Vice Ganda naman ay nagmamay-ari ng isang cosetics business, at ito nga ay ang Vice Cosmetics.

12. Anne Curtis

Si Anne Curtis naman ay nagmamay-ari ng isa ring cosmetics business, kung saan ito nga ay ang BLK Cosmetics.

13. Shamcey Supsup

Ang beauty queen na si Shamcey ay ang proud owner ng restaurant na Pedro and Coi.

14. Nash Aguas

Ang dating teen star na si Nash Aguash naman ang may-ari ng isang ramen restaurant, at ito nga ay ang MURAMEN na mayroon nan gang lagpas pitong outlet na sa ating bansa.

15. JC De Vera

Itinayo naman ni JC De Vera ang kanyang burger business na The Burgerery noong taong 2012.

16. Richard Yap

Pagmamay-ari naman ng aktor na si Richard Yap ang isang Chinese restaurant sa ating bansa na “Wangfu”.

17. Pamilya ni Heart Evangelista

Ang pamilya ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ang nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na restaurant sa Pilipinas at ito nga ay ang “Barrio Fiesta.”

18. Dingdong Dantes

Kamakailan lamang ng buksan at simulant ng aktor na si Dingdong Dantes ang kanyang delivery business na “Dingdong.”

19. Erich Gonzales

Si Erich Gonzales naman ang nagmamay-ari ng isang food house na “The Breakfast Club” na itinayo pa noong 2013.

20. Willie Revillame

Ang popular na TV host na si Willie Revillame ang nagmamay-ari ng sikat na business building sa Quezon City na Wil Tower.
Maliban pa nga sa kanila ay marami pang mga sikat na celebrity ang may mga negosyong pinagkakaabalahan, kabilang na nga sina Jericho Rosales, Pia Wurtzback, Pauleen Luna at marami ngang iba.

error: Content is protected !!