Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Male Celebrities sa Showbiz na Nagkaroon ng Anak sa Pagkabinata

Maituturing nga na isang biyaya ang pagkakaroon ng anak. Kaya naman, bilang isang ama, ang makatanggap ng isang biyayang anak, ay walang katumbas na pasasalamat.

Kaakibat naman ng pagiging isang ama, ay matinding responsibilidad na kahit mahirap ay kailangang kayanin. Isang responsibilidad na gampanan ang tungkulin na maging mabuting magulang sa kanilang mga anak.

Samantala, ang pagiging isang ama, ay walang pinipiling edad katulad na lamang ng mga sikat na male celebrities na ito, na sa kanilang pagbibinata ay nagkaroon ng anak. Ngunit, sa kabila ng kanilang edad, ay kahanga-hanga naman na kahit hindi pa sila handang maging magulang noon, ay nagawa naman nilang suportahan ang ina ng kanilang mga anak, at maging isang mabuting ama sa kanilang mga anak ngayon.

1. Paulo Avelino

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng publiko na nagkaroon ng anak sa pagkabinata ang aktor na si Paulo Avelino. Si Paulo nga ang ama ng panganay na anak ng aktres na si LJ Reyes na si Ethan Akio o Aki. Nagkahiwalay man sina LJ at Paulo noong 2013, ay nanatili namang mabuting ama si Paulo sa kanyang anak.

2. Patrick Garcia

Ang matamis na pagmamahalan ng dating magkasintahan na sina Patrick Garcia ay Jennylyn Mercado noon ay nagbunga ng isang anak, si Alex Jazz. Ngunit, sa huli ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

3. Richard Gutierrez

Noong una ay inilihim ng aktor na si Richard Gutierrez at aktres na si Sarah Lahbati na nagbunga ng isang sanggol na lalaki ang kanilang relasyon. At sa isang reality show, ay isinapubliko na ni Richard, na may anak na sila ni Sarah, si Zion.

4. Piolo Pascual

Dahil maagang umibig, sa edad na 20 taong gulang ay nagkaanak na si Piolo Pascual. Ang bunga nga ng pagmamahalan nila ng kanyang dating girlfriend na si Donabelle Lazaro, ay si Iñigo Pascual na isa na rin ngayong matagumpay na aktor sa showbiz.

5. Mark Herras

Ilang ulit na itinanggi ng aktor na si Mark Herras na may anak na siya, bago pa man ang anak niya ngayon kay Nicole Donesa. Ito nga ang anak ni Mark sa kanyang road manager, si Ada Sofia Nicolette Herras.

6. Jericho Rosales

Ang hunk actor na si Jericho Rosales ay nagkaroon rin ng anak sa pagkabinata. Ito nga si Santino na anak niya sa kanyang ex-girlfriend na si Kai Palmores.

7. Jake Ejercito

Nagbunga ng isang napakagandang batang babae ang relasyon noon nina Jake Ejercito at Andi Eigenmann. Sa edad na 21 ay may anak na nga si Jake kay Andi, at ito ay si Ellie.

8. John Lloyd Cruz

Nauwi man sa hiwalayan ang relasyon nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, ay ginagampanan namang mabuti ni John Lloyd ang kanyang responsibilidad at tungkulin sa kanyang anak na si Elias Modesto sa pamamagitan ng co-parenting set up ni Ellen. Ipinanganak ni Ellen si Elias noong June 2018 na isang napakagwapong bata.

9. Paolo Ballesteros

Dalaga na ngayon ang anak ng aktor at TV host na si Paolo Ballesteros sa kanyang ex-girlfriend na si Katrina Nevada. Siya nga ay si Keira Claire na talented at napakagandang babae.

10. Dennis Trillo

Nagkaroon ng anak si Dennis Trillo sa kanyang dating nakarelasyon na isang beauty queen na si Carlene Aguilar. Matagal naman bago umamin si Dennis na siya ang ama ng sanggol ay isinilang ng beauty queen sa Amerika.

11. Bugoy Cariño

Marami ang nagulat nang isapubliko noong 2020 ng binatang si Bugoy Cariño na may anak na sila ng volleyball player na si EJ Laure.

12. Kristopher Martin

4 na taong gulang na ang anak ni Kristopher Martin na si Precious Christine nang aminin niya na isa na siyang ganap na ama. Inamin ito ni Kristopher sa programang 24 Oras sa Chika Minute segment noong January 20, 2021.

error: Content is protected !!